thesis days...
puyatan blues pag mei papers na hinahabol...
alam mo un feeling na ndi ka pa natutulog tapos parang bigla ka nangangati? kala ko naman ganun talaga pag puyat ka.. pero ndi pala normal un..
minsan nakita ko mga langgam na gumagapang mula sa bookshelf, tapos natitigil ang linya nila sa keyboard... inangat ko tuloy un keyboard, inaasahang makakita ng kapirasong pagkain na siyang maging maaring dahilan ng pagkalanggam...
walang pagkain.
xempre binuksan ko na un keyboard para makita un loob... baka lang naman andun eh...
akalain mo un, andun nga sila. mistulang namahay sa keyboard namin... sandamakmak na langgam na di ko alam kun panu nagawang mamahay sa loob ng keyboard namin... kaya pala bawat letrang pinipindot sa keyboard eh mei konting kirot na nararamdaman... mei langgam palang lumalabas... habang gumagawa ng thesis ay parang sinisipa ko ang punso ng mga langgam... nilinis ko na, pero ngaun andun pa din sila...
__________________________________________________________________
minsan din namili ako ng pagkain... 4 na pack ng lucky me beef mami, 2 potato chips, at isang snaku... dahil nagkakataluhan sa chichirya sa bahay, hindi ko tinanggal sa plastic ang mga pagkain at iniwan ko sa kwarto ko, pinaupo sa tyan ni Bochok (big bear stuffed toy na makikita ang pix sa multiply account ko) at hinayaan ko muna dun...nakain ko na un mga chichirya, tapos minsan naisipan ko kainin un mami... habang hawak ko eh nasaktan ako... kinagat ako ng langgam... langgam na nanggaling sa plastic ng mami... pagbukas ko ng plastic, ayun sila, nagzi-zigzag sa zigzag ng pansit... peste... nakaplastic na nga, nakalagay pa sa plastic ng pinagbilhan ko, pinatos pa rin ng mga peste... syempre tiningnan ko kun nilalanggam din si bochok... ndi naman... hinanap ko dinaanan ng mga langgam, pero ndi ko nakita... pati un chocnut ko dinali din nila... kinanginang mga langgam...
__________________________________________________________________
nanonood ako ng tv, umiinom ng coke o kya iced tea habang sa kabilang kamay hawak ang chichirya of choice... pagkaubos ng lahat ng ito at natutuwa pa ko sa pinapanood ko, ndi ko naibalik at napahugasan ang baso ko... after 1hour lang ng pananatili ng baso kong walang laman kundi ang amoy lamang ng nainom ko na, aun, nagpipista nanaman ang mga langgam... san galing? ewan. parang tumubo lang sila dun..
____________________________________________________________________
saan ba nanggagaling ang langgam at bakit sa kahit anung sulok eh nakakasingit sila nang ndi mo nalalaman? bakit isang barangay na sila kapag nakikita ko at ndi ko man lang nakikitang paisa-isa silang sumusugod? bakit ndi ko nakikita un pila ng mga langgam na dumarating? gusto ko lang kumain nang walang langgam... bakit ba ganun na lang sila kabilis dumating pero kinanginang hirap nilang paalisin? hay...
Nasanay na ang mga langam na merong pagkain sa kwarto mo o kung san ka man naroon sa bahay nio... maglinis kau ng bahay... mag spray o kung anu mang teknik sa pag puksa... para mwala na ang langgam e kelangan wlang kalat ng pagkaen... ganun d2 sa bahay eh. Take it from someone na nakakaobserba ng mga langam dahil wlang ginagawa sa bahay kundi kumain lang rin at umupo sa computer. Parang tao rin yan... una, nagpapadala sila ng scout... isa isa lang... makikita mong maraming langam sa bahay nio minsan pero kalat sila, kung baga nililibot ang mapa at nikiclear ang fog of war... tpos pag me nkita ang isa ng pagkaen e un... gangbang na.
ReplyDeletekuya volt...prang dindumog ka naman maxado ng langgam dyan...wahahaha...kawawa ka naman....mas mabuti na yan kaysa ipis...kadiri!!
ReplyDeletesabagay... pero kasi pag pinatay mo ipis, dead na un eh... un mga langgam kasi parang di maubos eh...
ReplyDeletebili ka baygon
ReplyDeleteang haba ng blog d k n binasa..
ReplyDeletebwahaha... salamat sa comment. di mo naman pala binasa... haha....
ReplyDelete