Peste. di ako mkatulog. sabi ko bukas na magreply pero eto ako't nakahiga sa kama,nag-aantay ng reply. malungkot ako. dismayado. galit siguro. pero sigurado ko lang,di ako masaya.
matutuwa ka ba sa ganitong buhay?:
---walang trabaho pero araw araw pine-pressure na magkaron.
---Walang pera dahil walang trabaho.
---Nakasira ng dalawang sasakyan na sa parehong magulang.(1 each)
---Takot mag-aral dahil takot mapahiya.
---Mei mga tumitingala't humahanga pero wala namang ipagmamalaki.
---Graduate pero tila walang wastong trabahong pwedeng pasukin.
---Mei minamahal pero mas matimbang ang hiya nito kaysa sa sariling nyang kapakanan.
Susuko ka na lang ba? Ako parang gusto na.
Isa na lang nagpapasaya sa kin,un ay un mei minamahal at mei nagmamahal. Alam ko madami na kaming sakripisyo sa bawat isa pero sa pagdedesisyon talaga sa mga bagay bagay mejo nahihirapan akong umintindi. Ewan. Gago din siguro ako, di ko sinabi lahat nang to nun magkaharap pa kami. Duwag nga siguro ako. Isang gagong nanghihingi ng pawang katotohanan sa sinisinta, pero di naman kayang tanggapin ang katotohanang ibinibigay nya, at di naman kayang magpahiwatig ng katotohanan sa tamang oras. Peste. Ambobo ko.
Sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, parang isa na lang ang umiiral ng maayos. Tapos ngayon naiipit nanaman sa isang hangganang di mo malaman kung sino ang tama sa mali. Maghiwalay man kami, ndi naman kami magiging mas maayos na tao o ka-relasyon dahil pareho naming iniisip na tama ang panig namin sa kaguluhang to.
Peste. Dito ko lang pala gagamitin ang apat na taong pamimilosopiya sa kolehiyo. Sa pagmuni-muni ng buhay na di malaman kun san tutungo. Buti kung kumikita ako dito.
Tara na inuman na~
ReplyDeleteoi kuya volt kakakita lang natin kagabe ah...wag kang susuko anu beh?! bkt naman?! kaya mo pa yan... di ka naman ngiisa sa mga ganyang problema....
ReplyDeletewalang ganyan volt... baka biglang hindi ka sumama sa LTA... o kung gusto mo inom tayo sa tuesday or wednesday para mapg-usapan yan... hahahaha! chill out bro! :))
ReplyDeletemay mga bagay n mas magandang sinasabi ng personal...
ReplyDeleteoo.. duwag k nga cguro..
dhel mas pinili mong sabihin sa ibang tao yang pesteng nararmdaman mo kesa sabihin xken,..
UN LANG.
...
ReplyDelete