...tinanung ako ni che bago kami maghiwalay kanina...actually, kagabi, gusto ko na magblog ng wishlist, na baka mei tumupad...
1. king me margarita - hayup na mga lowerclassmen sa philo... pinainom kami sa bar na ndi ko pa nababalikan pero di ko makalimutan ang lasa ng margarita at ng kung anu anung mix nila nun despidida nila para sa min... demmit, isang bote lang, magtatagal nanaman ng 2 taong memories ulit...
2. cross training shoes - pang basketball, pantakbo, pang-casual... meron akong chucks pero ndi pde pantakbo, at ndi maganda tingnan sa malaking pantalon ko na naisusuot ko pa rin dahil 2 lang naman pantalon ko....
3. asus p525 repair - ang smartphone kong wasak... sayang naman kung nakatengga...
4. 1 psp umd disc - wala lang. para lang makaranas si psp ko ng umd na tumatakbo sa system nya... puro loaded games eh....
5. light saber - pota nagphase out na nga ata tong mga to, pero ndi pa rin ako nawawalan ng pag-asa... asteeg kaya to, pag in-on mo, tumutunog ng "brrrrr" <pairalin natin ang imagination natin para lubos na maintindihan at maapreciate ang laruan> tapos tumutunog ng parang gliding pag ginagalaw mo tapos tumutunog ng clash pag tumama somewhere... basta... asteeeg to... as in grade 6 pa lang ata ako gusto ko na to, pero sinimulan kong hanapin sa market nun 2nd year college na ko... at hanggang ngayon wala pa rin ako... peste...
alam ko marami pa eh... nakalimutan ko lang... top 2 un naalala ko talaga...
tapos, ayun, nanood kami ng sine, dapat "When Love Begins", pero dahil gusto ko naman matuwa, nood na lang kami ng "What Happens in Vegas" tutal pareho naman silang nagsisimula sa letter "W" eh (huh?)... maganda naman, masaya... feel good movie... pero wag mo panoodin kung ayaw mo kei Ashton Kutcher, xa kasi bida eh (wha?)....
kumakain pala kami ng steakhouse burger ng burger king... ndi nya naubos burger nya, ako umubos... mei onion rings din kami... sa bigat ng kinain, ndi na namin naubos un onion rings... xa nga ndi nagalaw un onion rings nya eh...
pagkatapos ng movie, dinala namin, sabi nya ibigay namin sa mga mahihirap kesa itapon, malinis pa naman eh... so nun nagkamali ako ng liko paglabas ng ayala ave at natrapik patawid ng daan papuntang fort, nagkaroon kami ng pagkakataon kasi mei bulag na mama na nanlilimos... xempre binigay ko na un onion rings... pero ndi ako nakuntento... buong byahe, hanggang ngayon, iniisip ko xa... masaya naman xa nun nakuha nya eh, sabi nga ni che... naramdaman ko naman ang lubos nyang pasasalamat, kaso naisip ko parang kulang...
kasi ako nga ndi naman nabubusog sa onion rings, panu pa xa? ndi ko matanggal sa isip ko un sinabi nyang "salamat po sir, maraming salamat" pagkakuha ng plastic... tapos lumakad xa sa sidewalk para kapain ang binigay namin sa kanya...itatago sana nya sa bag nya kaso ndi kasya... hinawakan na lang tuloy nya... nakakainis... gusto ko xang bigyan ng pagkain na solid, burger man lang... gusto ko xang bigyan ng mas malaking bag ng onti para sa mga binibigay sa kanyang tulad nun binigay ko... pero wala ako ng kahit alin dun... peste...
so buong byahe ndi kami masyado nag-usap ni che.... iniisip ko si manong... iniisip ko rin ang mga tulad nya at mga tulad ko... ngayong birthday ko, mei nagtatanong kung ano gusto ko... pero napag-isip isip ko nun naaalala ko si manong, anu pa ba hahanapin ko? meron akong pamilyang nagmamahal sa kin, meron akong girlfriend na lahat para sa kin at ganun din ang nararamdaman para sa kin, meron akong mga kaibigang nandyan lang kung kailangan, mei trabaho akong disente, nakakakain ako kun nagugutom ako, mei mga damit ako, mei luho ako tulad ng psp, cable tv, at internet sa bahay, nakasurvive na ko ng 2 aksidente, isa muntik ko nang ikamatay.... eh panu si manong at mga tulad nya?
anu bang karapatan kong mag-"wish" pa? kung tutuusin, anu pa bang hihilingin ko?
nakakainis lang na nakakakain ako ng wasto o di kaya'y sobra, samantalang mei mga taong tulad ni manong na onion rings lang marahil ang kakainin ngayong gabi... nakakainis isipin na mei mga taong nakakakain sa mga magarbong kainan na mas mahal ng 5 beses kesa sa original na presyo ang pagkain, samantalang mei mga taong luho na ang makakain ng 30pesos na tapsilog sa isang araw... nakakainis isipin na ang daming taong kayang magwaldas ng pera sa luho, samantalang mei mga taong barya lang ang bumubuhay sa kanila...
naisip ko, sobra sobra na ang meron ako sa buhay kumpara sa mga taong mahirap... oo, inaamin ko, kinukutya ko rin sila... marahil ndi sila naghihirap kung nagsikap sila sa buhay... marahil ganun ang gusto kong hantungan ng mga kupal na estudyante noong nag-aaral pa ko... pero ako'y ako ngayon, at sila'y sila ngayon... nandyan na eh, mei kaya ako sa buhay, sila naman wala... ang basura ko kayamanan nila... ang wala lang sa kin, nagbibigay ng ganap na kaligayahan sa kanila... bakit ko pa ipagkakait ang basura sa mga taong to? bakit kailangang sa basura lang sila matuwa?
ayoko na ng mga wish ko. sa loob loob ko, oo, gusto ko pa rin... pero dahil kei manong, sana ilang malupit na happy meal na lang.. tapos iabot natin dun sa mamang naka-crutches sa julia vargas, sa lalaking walang eyeball sa lrt santolan station, sa batang mei malaking umbok sa likod na nakahiga sa overpass ng evangelista, at sa mamang bulag sa ayala ave... at kung sakali, dun na rin sa batang pinapaalis nun babaeng nagbebenta ng prutas sa mei jenny's dahil naghahalungkat xa ng basura... nagtatrabaho un bata, pinapalayas nun babaeng tatanga tanga din namang pumwesto sa tabi ng tambak ng basura...
ndi ako martir. ndi ako santo. pero seryoso ako.
kung napanood mo un "In Pursuit of Happyness" ni Will Smith, nakita mo sigurong meron shelter para sa homeless... pila pila, pero mei chance ang walang matuluyan na mei matuluyan para sa isang gabi... sa ibang gobyerno, pde un... dito sa tin, sa liit ng bwakananginang bansang to, bakit wala man lang ganun? pota sa inuutang ng gobyerno taon taon sa kung saan saan, eh kayang bilhin ang buong Pilipinas eh... bukod sa utang mei tax pa, tapos meron pang ofw remittances... pero ang mga mahihirap, ayun, mahirap pa rin... natutulog sa kalsada, sa overpass, at sa sidewalk...
happy ang birthday ko, dahil sa mga bagay na meron ako... pero kung tutuusin, isang malupit na pasasalamat ang birthday ko sa lahat ng nangyari sa buhay ko, at ndi ko kailangan ng materyal na karagdagan pa muna dito... masaya na ang mei makaalala....
ung mga mahirap, siguro dinadagdagan lang natin sila ng dahilan para umasa, pero anu bang pde nilang gawin? nun mga bulag at nun mga "deformed"? naisip ko, dapat inaalagaan na sila ng gobyerno....
kaso busy ata sila eh...
mei krisis kasi...
kulang kickback nila...
pesteng unano...