Friday, May 9, 2008

..."anung wish mo?"...

...tinanung ako ni che bago kami maghiwalay kanina...actually, kagabi, gusto ko na magblog ng wishlist, na baka mei tumupad...

1. king me margarita - hayup na mga lowerclassmen sa philo... pinainom kami sa bar na ndi ko pa nababalikan pero di ko makalimutan ang lasa ng margarita at ng kung anu anung mix nila nun despidida nila para sa min... demmit, isang bote lang, magtatagal nanaman ng 2 taong memories ulit...

2. cross training shoes - pang basketball, pantakbo, pang-casual... meron akong chucks pero ndi pde pantakbo, at ndi maganda tingnan sa malaking pantalon ko na naisusuot ko pa rin dahil 2 lang naman pantalon ko....

3. asus p525 repair - ang smartphone kong wasak... sayang naman kung nakatengga...

4. 1 psp umd disc - wala lang. para lang makaranas si psp ko ng umd na tumatakbo sa system nya... puro loaded games eh....

5. light saber - pota nagphase out na nga ata tong mga to, pero ndi pa rin ako nawawalan ng pag-asa... asteeg kaya to, pag in-on mo, tumutunog ng "brrrrr" <pairalin natin ang imagination natin para lubos na maintindihan at maapreciate ang laruan> tapos tumutunog ng parang gliding pag ginagalaw mo tapos tumutunog ng clash pag tumama somewhere... basta... asteeeg to... as in grade 6 pa lang ata ako gusto ko na to, pero sinimulan kong hanapin sa market nun 2nd year college na ko... at hanggang ngayon wala pa rin ako... peste...



alam ko marami pa eh... nakalimutan ko lang... top 2 un naalala ko talaga...


tapos, ayun, nanood kami ng sine, dapat "When Love Begins", pero dahil gusto ko naman matuwa, nood na lang kami ng "What Happens in Vegas" tutal pareho naman silang nagsisimula sa letter "W" eh (huh?)... maganda naman, masaya... feel good movie... pero wag mo panoodin kung ayaw mo kei Ashton Kutcher, xa kasi bida eh (wha?)....

kumakain pala kami ng steakhouse burger ng burger king... ndi nya naubos burger nya, ako umubos... mei onion rings din kami... sa bigat ng kinain, ndi na namin naubos un onion rings... xa nga ndi nagalaw un onion rings nya eh...

pagkatapos ng movie, dinala namin, sabi nya ibigay namin sa mga mahihirap kesa itapon, malinis pa naman eh... so nun nagkamali ako ng liko paglabas ng ayala ave at natrapik patawid ng daan papuntang fort, nagkaroon kami ng pagkakataon kasi mei bulag na mama na nanlilimos... xempre binigay ko na un onion rings... pero ndi ako nakuntento... buong byahe, hanggang ngayon, iniisip ko xa... masaya naman xa nun nakuha nya eh, sabi nga ni che... naramdaman ko naman ang lubos nyang pasasalamat, kaso naisip ko parang kulang...

kasi ako nga ndi naman nabubusog sa onion rings, panu pa xa? ndi ko matanggal sa isip ko un sinabi nyang "salamat po sir, maraming salamat" pagkakuha ng plastic... tapos lumakad xa sa sidewalk para kapain ang binigay namin sa kanya...itatago sana nya sa bag nya kaso ndi kasya... hinawakan na lang tuloy nya... nakakainis... gusto ko xang bigyan ng pagkain na solid, burger man lang... gusto ko xang bigyan ng mas malaking bag ng onti para sa mga binibigay sa kanyang tulad nun binigay ko... pero wala ako ng kahit alin dun... peste...



so buong byahe ndi kami masyado nag-usap ni che.... iniisip ko si manong... iniisip ko rin ang mga tulad nya at mga tulad ko... ngayong birthday ko, mei nagtatanong kung ano gusto ko... pero napag-isip isip ko nun naaalala ko si manong, anu pa ba hahanapin ko? meron akong pamilyang nagmamahal sa kin, meron akong girlfriend na lahat para sa kin at ganun din ang nararamdaman para sa kin, meron akong mga kaibigang nandyan lang kung kailangan, mei trabaho akong disente, nakakakain ako kun nagugutom ako, mei mga damit ako, mei luho ako tulad ng psp, cable tv, at internet sa bahay, nakasurvive na ko ng 2 aksidente, isa muntik ko nang ikamatay.... eh panu si manong at mga tulad nya?

anu bang karapatan kong mag-"wish" pa? kung tutuusin, anu pa bang hihilingin ko?

nakakainis lang na nakakakain ako ng wasto o di kaya'y sobra, samantalang mei mga taong tulad ni manong na onion rings lang marahil ang kakainin ngayong gabi... nakakainis isipin na mei mga taong nakakakain sa mga magarbong kainan na mas mahal ng 5 beses kesa sa original na presyo ang pagkain, samantalang mei mga taong luho na ang makakain ng 30pesos na tapsilog sa isang araw... nakakainis isipin na ang daming taong kayang magwaldas ng pera sa luho, samantalang mei mga taong barya lang ang bumubuhay sa kanila...

naisip ko, sobra sobra na ang meron ako sa buhay kumpara sa mga taong mahirap... oo, inaamin ko, kinukutya ko rin sila... marahil ndi sila naghihirap kung nagsikap sila sa buhay... marahil ganun ang gusto kong hantungan ng mga kupal na estudyante noong nag-aaral pa ko... pero ako'y ako ngayon, at sila'y sila ngayon... nandyan na eh, mei kaya ako sa buhay, sila naman wala... ang basura ko kayamanan nila... ang wala lang sa kin, nagbibigay ng ganap na kaligayahan sa kanila... bakit ko pa ipagkakait ang basura sa mga taong to? bakit kailangang sa basura lang sila matuwa?

ayoko na ng mga wish ko. sa loob loob ko, oo, gusto ko pa rin... pero dahil kei manong, sana ilang malupit na happy meal na lang.. tapos iabot natin dun sa mamang naka-crutches sa julia vargas, sa lalaking walang eyeball sa lrt santolan station, sa batang mei malaking umbok sa likod na nakahiga sa overpass ng evangelista, at sa mamang bulag sa ayala ave... at kung sakali, dun na rin sa batang pinapaalis nun babaeng nagbebenta ng prutas sa mei jenny's dahil naghahalungkat xa ng basura... nagtatrabaho un bata, pinapalayas nun babaeng tatanga tanga din namang pumwesto sa tabi ng tambak ng basura...

ndi ako martir. ndi ako santo. pero seryoso ako.

kung napanood mo un "In Pursuit of Happyness" ni Will Smith, nakita mo sigurong meron shelter para sa homeless... pila pila, pero mei chance ang walang matuluyan na mei matuluyan para sa isang gabi... sa ibang gobyerno, pde un... dito sa tin, sa liit ng bwakananginang bansang to, bakit wala man lang ganun? pota sa inuutang ng gobyerno taon taon sa kung saan saan, eh kayang bilhin ang buong Pilipinas eh... bukod sa utang mei tax pa, tapos meron pang ofw remittances... pero ang mga mahihirap, ayun, mahirap pa rin... natutulog sa kalsada, sa overpass, at sa sidewalk...

happy ang birthday ko, dahil sa mga bagay na meron ako... pero kung tutuusin, isang malupit na pasasalamat ang birthday ko sa lahat ng nangyari sa buhay ko, at ndi ko kailangan ng materyal na karagdagan pa muna dito... masaya na ang mei makaalala....

ung mga mahirap, siguro dinadagdagan lang natin sila ng dahilan para umasa, pero anu bang pde nilang gawin? nun mga bulag at nun mga "deformed"? naisip ko, dapat inaalagaan na sila ng gobyerno....

kaso busy ata sila eh...

mei krisis kasi...

kulang kickback nila...

pesteng unano...

20 comments:

  1. wow, birthday.... pacheeseburger ka naman! :D

    ReplyDelete
  2. happy happy beerday!!! san tayo? hehehe

    ReplyDelete
  3. cge, magsiorder na kayo ng mga burger nyo, sabihin nyo na lang sa nagdeliver babayaran nun mei bertdey... hehe....

    ReplyDelete
  4. hamburdey voltz ;p d2 nlng ako bati, as usual wala ako load sa sun. ang deviant mo kc!! mag globe ka! =))

    ReplyDelete
  5. burger! burger! burger!
    may sagot ako sa kailangan ni manong,
    usap tayo uli. ;-)

    ReplyDelete
  6. un lang.

    this is the reason y i like talking to u. =P iba pilosopiya mo bro. hehe. oo naiisip ko den yan minsan. kaya kung magiging mayaman ako, magbibigay talaga ako sa kanila. totoo.

    tnxt kta nung bday mo ah. ung una happy bday (mga 12:30am ata un. o dba? isa ako sa una?) ung pangalawa nung asa peta ako nanunuod ng play at andun si uncle jun mo. nung paalis na sha sbi ko "Uncle Jun! ako po naginterview sa inyo dati sa La Salle! bday po ni kuya volt ngaun! haha!" tapos sabi nya "oo nga eh!" haha. i wonder kung ntatandaan nya pa ako. at tnwag ko shang uncle, kapal. haha. pero ung 2 kong txt dmo nireplyan. cnsbi ko lng bka ndi mo kc nrcv. hehe.

    kung npnood mo ang the correspondents one tym, snsbi na wla naman daw krisis sa bigas. wla lng budget for irrigation - na iniipit ng gobyerno - kaya wala tuloy maproduce ang mga magsasaka - kaya mukhang may krisis. tagumpay nga naman. hayun. sa PR we call it "downplay". tagumpay ang mga lintik.

    happy burthday ulet. sna nakapunta ako. kainan yan eh! kaso wla ako pamasahe na pauwi. haha. at 10pm na ata natapos ung play. =P

    ReplyDelete
  7. ;-) di kailangang hintaying maging mayaman bago makapagbigay sa kapwa ng totoo, yun mismo ang nagpahirap sa atin sa kasalukuyang sistema... ang pagkatali sa salapi... sa ganansya at sa tubo... at nakakalimutan na ang mga bagay na higit na mahalaga sa kapwa.

    ang buhay ay sandali, parang kahapon lang ang debut ko tapos silver years ko na last year, ilang buwan na lang din 26 na ako... we cannot wait until every personal conflict we had would settle down before we give something back to society... before we face up to the conflict present in the world we live in..

    happy ba ang birthday volt?
    i hope it is. ;-)
    ipagpatuloy mo lang ang paglalakbay tungo sa ganap na kamulatan.

    i hope your uncle will not stop the fight kahit parang natabunan na ng kung anik anik na isyu ang kwento niya, nasa likod pa rin niya kami na naniniwala at susuporta sa kanya!

    ReplyDelete
  8. tsong anglukot naman... teka nga.

    ReplyDelete
  9. regalo ko na sayo yan =) uy! nakaisang taon pang buhay, congrats.

    ReplyDelete
  10. ngayon ko lang nabasa ng buo, haba kasi. so binabawi ko na yun link. i refuse to give you any chance to spend too much money on too many idiotic things. hahah. but you can take a look and try to finally fulfill the fantasy. hmm.. I've had those moments too. Someone actually refused, I offered mais (unmolested, all in its virginal purity), I felt ashamed there for assuming that he did (may ari pala siya ng banko, feel niya lang ang goth look with matching crazy hair and charcoal skin hahha..biro lang pero ganun nga siya.. palaboy na nakapaa na nakatingin lang sa kawalan na naistorbo bigla). He's got a very intense look really, napatingin lang siya sakin sabay umiling (feeling ko nanaman blog ko tong comment box hahahhah). Most of us have a similar sentiment, wishing we could do more than offer unfinished food relished with a little saliva, wishing we could move them to seek greater purposes than being good documentary subjects to trigger audience response, whose misfortune makes me feel a bit better with my life. I guess it's time to move beyond sentiment and just do something about it. I don't know how exactly just yet, buy maybe I can find it on google. We all have our ways, finally castigating the bloodsuckers in office or claiming in some way the responsibility that they should have owned up to. (hoy baka maging amiel episode to ah haha.. di naman siguro). hmm.. good to have you around still is what I've got to say. Sabi nga sa isang episode ng ally mcbeal, if in the last year you felt neither sadness nor joy, consider it wasted. not everything that's painful needs to be averted.

    ReplyDelete
  11. gabi gabi umuuwi ako para abutan ang kapatid kong nagdodota... wala akong chance makapagmultiply... dahil na rin sa bwakananginang office na wala nang multiply... so, instead of making another blog, isa isa muna akong magrereply...

    EJ: narecieve ko message.. ayoko lang magreply kasi baka nakitext ka lang... di ko sigurado anu totoo mong number eh.. hehe... napanood ko din un correspondents na un... ewan ko ba kung bakit ilan lang nakapanood nun... kung marami man, ndi masyado nakaapekto dahil ndi naman ulit nagsurface issue ni uncle jun... though baka factor din un meralco issue naman at ang pesteng pagtaas ng krudo... paksyet..

    Pia: usap nga tayo ulit. pag magkachance.=P o nga, siguro, tama ka na kung mayaman na ko, ndi ko nararamdaman ang mga taong ganun... lalong mananaig sa kin ang pakiramdam na "di ka dapat nanlilimos kung nagsikap ka. bahala ka sa buhay mo, dahil ako nagsikap para dito sa perang meron ako".. parang sa classroom lang yan eh, kung mahina ka sa lesson para sa test, sabay sabay kayong nagccram ng kapwa mong onti lang alam at ng mga sadyang bopols... pero kung matalino ka, ndi ka magsshare ng napagaralan mo dahil pinagpuyatan mo un... ewan ko... pero sana, dahil nakita ko naman na to, kung yumaman din ako tulad ni ej, at sana kun yumaman din si ej eh ndi namin makalimutan etong nakita naming problemang to...

    mark: di ko madinig un pinost mo... hehe...

    levi: pag nagkasama tayo sa mall, papakita ko seio un lightsaber ko... ayoko nun regalo mo, walang light.. gusto ko mei light... hehe...:p mali naman kasi... pag mei amats un tao, wag mo na bigyan... un mga wala lang kakayahang makapagtrabaho na tulad nun mga taong nasabi ko na, at idagdag mo na un isa pang bata sa julia vargas na sobrang lumpo ng paa eh kamay ang ginagamit nyang panlakad...siguro little acts... sumayad nanaman sa isip kong maglaw para maging pulitiko para pamunuhan ang dswd man lang para sa mga taong ganun... pero ewan ko... natatakot lang siguro akong makain ng sistema... mula't sapul un lang takot ko sa bwakananginang pulitika eh... kahit anung "righteous" o "idealist" ko eh baka kainin ko lang pag nakapasok ako sa pulitika... mambabash na lang ako... hehe... as for ways, as in better, concrete ways to help those people out, i'm stumped. as for ally mcbeal, then i didn't have a wasted year.=p it was a rollercoaster... graduating and shifting jobs... pota nakapagtrabaho na ko sa lahat ng oras ng araw except 6-8... call center = 8pm-5am, english tutor = 2pm-11pm, ngaun 8am-5pm... hehe... and with everything i had to deal with pre-uncle jun, i could only thank philo for giving me such headaches to keep me sane to this day...=P

    ReplyDelete
  12. yan...

    inayos ko na, bagong reupload ulit yan ha. hehehe

    ReplyDelete
  13. olats... kahit sa utol ko durog na ko eh.. hehe... hanapin mo ko sa gg, voltz1129 din id ko...=P mas madalas gamit ng kapatid ko para maglevel up ako at mapalitan na avatar... hehe

    ReplyDelete