Pero ako un kupal na nangingialam ng buhay ng buhay para hiritan siya na nagkamali siya. Dahil dito, naisipan kong gumawa ng munting listahan ng mga madalas na pagkakamali ng mga mahilig mag-shoutout ng kung anu anung bagay lang.
1. "Votation" - hindi naman ito ginagamit sa mga shoutout. Ito'y isang bagay lang na naiinis ako pakinggan at nais ihain dito. Kung mapapansin mo, tayong mga Pilipino lang naman ang gumagamit ng salitang ito. Walang salitang ganito. Marahil lingid sa kaalaman ng gumagamit ng salitang ito, meron ding salitang tinatawag na "election" na siyang tamang salin ng salitang "botohan". Hindi porke't "botohan" ang salitang Filipino ay dapat may "vote" din sa salin sa Ingles.
2. "I didn't lost my (insert item)" - Sinabi mo nang "didn't", ibig sabihin, tapos na, kelangan pa bang idagdag na "lost"? Hinidi lang naman sa "didn't lost" may bisa ang problema ko dito. Naalala ko lang ang isa kong kaibigan na gumamit ng mismong katagang ito. Marahil lingid sa kaalaman ng ng mga gumagamit nito, na ang "do" na siyang salitang pinanggalingan ng "didn't" ay isang pandiwa, o "verb", kung kaya't hindi mo na kailangang sundan pa ito ng isa pang pandiwa na naka-past tense.
3. "We will gonna come to class..." - Ito ang paboritong kataga ng guro namin noong 2nd year high school sa social studies ata, si Ms. Narag (na masarap ang barbeque na binebenta pag fair). Pero habang nagtatagal, napapansin ko na hindi lang naman pala siya ang gumagamit nito. Marahil lingid sa kaalaman ng mga gumagamit nito, na ang "gonna" ay isang "slang" na salita para sa "going to". Babalik lang tayo sa punto ko sa #2, future tense naman.
4. "There are a lot of stuffs in my head" - Ang dami dami naman nyan. Sa pagkakataong ito, hindi ko masasabi na walang salitang "stuffs" dahil meron. Pero ang "stuffs" ay ginagamit lamang kung pandiwa o verb ito sa pangungusap. Halimbawa, "the cook stuffs the chicken". Marahil lingid sa kaalaman ng mga gumagamit nito, na ang "stuff" ay parang "rice": hindi mo na kailangan pang dagdagan ng "s" upang sabihin na marami ito.
5. "With regards to your behavior,..." - Kamustahin daw ba ang ugali? Natutunan ko lang kay Kuya Ags na ang wastong paggamit pala ay "with regard to.." o di kaya'y "as regards..". Marahil hindi ko ito malalaman kung hindi nya sinabi sa kin. Ito'y sobrang dalas kong naririnig pero ni minsan di naisip na hindi pala tama. Tila tinanggap na ng utak ko na tama ito. Buti na lang, hindi pa rin nya tinatanggap ang "votation".
Siguro kaya pang madagdagan ang listahang ito. Ayoko lang makalimutan kaya nilagay ko na ngayon. I-edit ko na lang. Baka meron din kayong naiisip. Bukod naman kay Ms. Narag, wala na ko ibang pinangalanan eh, kaya hindi mo rin naman siguro kailangang pangalanan ang taong nais mong pansinin. Bato-bato sa langit na lang.
haha cool natawa ako
ReplyDeletenasa fb ba kita ? :))
wala pa.=P
ReplyDeletepanu ba yan nabasa ko na 'to contrary sa sinabi mong next week pa ko mkkpagmultiply ulit. hahaha!
ReplyDeleteweh, pinilit!:P haha...
ReplyDeletebasa!! tapusin na 1st reading nang magkaron ng "next week".. hahha
at ano fb mo hehe, add mo ko :)
ReplyDeleteyesss sir! :)
ReplyDeleteLOL!!!!!
ReplyDeletewahaha! in fairness alam ko ang gamit nyan--pero nung college ko ata natutunan. hahaha regards amf! kamustahan ang level!
ReplyDelete--na-inspire ka sa laking galit ko sa STUFFS noh?! wahaha
haha... medyo medyo. pero dahil lang mei nag-2nd na sa isang bagay na ndi ko pinapansin kaya naisip ko pde ko na iblog..:P tpos sinamahan ko ng iba. mei dagdag pa si kuya ags eh, at mei naisip pa ko related dun, kaya inaantay ko pa magkaron ng revelation sa utak ko bago ko i-update.:p and besides, wala ako comp access... tsk
ReplyDelete@tracy: i don't need your laugh, suggestion!!!:P haha... at si aby kwe, bilang teacher malamang mei alam din.:p haha
ReplyDeletenaku. naku. gusto ko lang umepal dito. hahaha! nagpipigil ako itama ang mga nagkakamali sa grammar. mabait kasi ako. hindi ko naman sinasabing masama ka. haha! pero diba, masakit talaga sila sa ulo. hahaha! alam kong hindi ako best in grammar. haha! pero naman kasi, meron akong kilala na super kung makapagpost sa fb na galit na galit sa mali ang grammar eh siya tong his at he's eh hindi alam ang pinagkaiba. yung level ng pagkakamali niya eh elementary. nakakairita diba? yun lang. haha! ang haba ng comment ko. hahaha! pag nagkamali ako, pakialaman mo din ako. haha! :)
ReplyDeletesige. papansinin ko.:P haha...
ReplyDeleteginagawa sa mga taong ganun, hide agad..:p meron akong nasa 200+ contacts sa fb, ndi ako madalas mag-add lalo pag di ko talaga kilala.. out of 200+, meron siguro nasa 80+ na hidden dahil sa mga bwakananginang quiz at mga "i don' f*ckin care what you're doing every ten minutes" status.=P
hahaha! ang mean. haha! pareho tayo. meron nga ako na-iignore sa pag-add na kakilala ko pala talaga kaso nakalimutan ko lang kung sino sila. haha! sa dami din ng friends ko di pa naman ako nag hide ng tao. haha. pero malapit ko na yun gawin. nakakairita kasi talaga. haha. isa din ako sa quiz takers. haha! pero hindi naman yun tipong lahat na ata sinagutan at pinost. siguro naka hide ako sayo noh? hahaha! meron din akong friends na status update maya maya. parang tanga. wala naman pumapansin. haha! naku pag-iisipan kong mabuti ang pag-hide ng tao. hmmm. i enjoyed reading your blog sobra. haha! :)
ReplyDeletehaha.. baka mei araw ka na nag-quiz ng mga 4 na sunod sunod kaya hinide na kita.=P wahahaha....
ReplyDeletethanks.:) kun meron ka pa alam na grammar errors, dagdag natin.:p mei naitext pa sa kin, ndi ko lang nadagdag eh, hanapin ko pag meron pa ko 2 naalala.:)
hay naku. i hate you. hahahahaha! joke. haha! sige sasabihan kita agad pag meron na naman nakakairita. hahaha!
ReplyDelete