(Madami ako trabaho, pero ayoko na masayang ulit un naiisip ko para maging isang linya lang sa peysbuk, kaya ibblog ko na ngayon.)
Kahirapan nga ba ang problema ng Pilipinas? Sige, ganito na lang; problema nga ba ang kahirapan?
May mga pulitiko tayo na umaapila sa mga mahihirap, nagsasabing tatpusin ang kahirapan, iaahon ang buhay ng mga mahihirap. Gusto ba natin nito? Sa isang ideyolohiyang lipunan, siguro, oo, walang naghihirap, lahat nasa mabuti.
Negosyo nga ba ang sagot? Isang “tamang nilalang” ba na maluluklok sa pwesto ang solusyon sa lahat ng problema ng mga Pilipino?
Hindi naman ako galit kay Manny Villar, at hindi ko rin naman hinihimok ang boto mo palayo sa kanya kung siya nga ang napupusuan mong iboto sa darating na eleksyon. Siya lang siguro ang pinaka nakikita nating umaapila sa mga mahihirap. Si Dick din naman kahit pano mahirap din ang pinupuntirya eh; mukha bang mayaman yung batang gustong “gayahin” ang pinuno nya sa patalastas ni Dick Gordon?
Layunin ko sa sulating ito ang pagpapakita ng pagka-hypokrito ng mga pulitikong umaapila sa mahihirap at epekto nito, ang lantarang panlilinlang sa mga botante, at sa pangangailangan natin sa mga mahihirap.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Panlilinlang at Paniniwala
Sabi nga nila, wala namang maloloko kung walang magpapaloko. Marami na ngayon ang naniniwalang kayang iahon ni Villar ang bansa sa kahirapan, marami ang naniniwalang matutulungan sila nito dahil dumaan na siya dito at ngayo’y nasa mabuting kalagayan na siya. Ngunit sapat na nga ba na napagdaanan nya ang kahirapan upang sabihin na kaya niyang iahon ang iba pang mga mahihirap?
Sinasabi kong isang panlilinlang ang pahayag nyang iaahon niya ang buong bansa sa kahirapan dahil hindi sa isang pinuno nakasalalay ang pag-asenso sa buhay ng isang tao, siya rin mismo. Hindi ba’t may nanalo na sa lotto ng ilang daang milyon para lang maubos itong lahat at ngayo’y naghihirap na siya ulit? Ang dating, inaasahan ng sambayanang naniniwala kay Villar na magbibigay siya ng oportunidad para sa lahat na magkaroon ng sariling negosyo, na maging sarili nilang amo. Ngunit paano kapag hindi sila nabigyan nito? Sinasabi mo ba sa akin, na posibleng bigyan ng kanya kanyang negosyo ang lahat ng squatter sa Pasay? Kung oo, sinasabi mo ba na kayang kumita ng lahat ng negosyong yun na nabigay sa kanila? Kung kumita man, habambuhay bang ganoon kasipag ang mga taong yan para palaganapin ang negosyo? Kung hindi, sinira ba ni Villar ang kanyang pangako? Tapos, ano na? Mag-aalsa nanaman ang masang Pilipino dahil matapos nilang iboto si Villar eh mahirap pa rin sila?
Siguro dahil hindi ako nangangailangan kaya hindi ako nagpapalinlang at ganito ang pag-iisip ko. Hindi ko rin naman siguro masisisi ang mga mahihirap na iniisip lang naman ang ikagaganda ng buhay.
Ang akin lang, hindi natin dapat inaasa na kaya ng pinuno natin na iahon ang buhay natin. Kung talagang mahirap ang buhay natin, iangat natin ng sarili natin. Maaari silang mag-bigay ng oportunidad, pero tulad ng lahat ng bagay, hindi para sa lahat ito. Nakapanlilinlang lang ang layunin ni Villar na nais nyang magkatrabaho lahat at magkaroon din ng sariling bahay. Pero may naniniwala eh.
Ibabalik ko na lang yung kasabihan: walang maloloko kung walang manloloko.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Pulitiko Bilang Para sa Mahirap
Siguro ang masasabi ko na lang ay ang epekto nito sa tao. Mahirap magbigay ng mga layuning malayong makamit. Oo, magandang pakinggan ang mga ito. Pero kung dumating man ang panahon na nakamit na ng pulitiko ang nais nyang posisyon, ano na? Laglagan na agad?
Hayup makipagkamay ang mga pulitiko ngayon kapag eleksyon. Di ko rin naman maintindihan sa mga taong to ang pakikipagkamay nila na parang hinahabol ang Nazareno, eh ndi naman sila matatandaan ng mga pulitikong kinamayan nila eh (“naalala nyo po ba ko? Ako po un nakakamay ninyo ng dalawang segundo nun nagsortie kayo sa Baseco!!! Ako po yung nakangiti!!! Eto pala un kasama ko na nakatabig ng kamay ko para siya naman kumaway, baka natandaan ninyo, 3 seconds kayo nakapagkamay eh”). At lalong wala silang kapangyarihang makakamit pag nahawakan nila ang kamay ng pulitiko (“Boss! Magreresign na ko! Kaya ko nang magpagawa ng village dahil nahawakan ko kamay ni Manny Villar!!! Bwahahahhahah”).
Iniisip ng mga taong to na pag nahawakan nila ang pulitiko eh may parang koneksyon na sila dito. Ang hirap lang, hindi naman mangyayari yun kung normal na araw eh. Na magiging problema. Pag hindi mo na ginagawa ang mga sinabi mong gagawin mo, at hindi mo na nagagawa ang mga dating ginagawa mo, ang mga parehong tao na sumuporta sa iyo ay siya ring mga taong magpapabagsak sa iyo.
Ito marahil ang takot ko kay Villar na maraming pangako at may kredebilidad na tuparin ang mga pangakong ito; ang taas ng inaasahang mangyari nga mga mamamayan. Posibleng kaya ni Villar tuparin ang mga pangako nya, pero hindi ito agad agad mangyayari, hindi agad agad makakaramdam tayo ng pag-usad. Dahil dito, baka hindi makapaghintay ang mga Pilipino, bagong gulo nanaman.
(Hindi pala ako naniniwala sa sinabi ni Dolphy tungkol sa kanya na nakarating siya sa kinalalagyan nya ng walang nilamangan at walang niloko. Negosyante siya eh. Kelan ka ba nakakita ng negosyanteng hindi nanlamang pero yumaman?)
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pangangailangan sa mga Mahihirap
Eto marahil ang pinaka-malaking problema ko sa nilalatag ni Villar na maging sarili mong amo. Kung sa sobrang husay nya eh nagawa nga nyang bigyan ng oportunidad lahat na maging negosyante, sino naman ang magiging mga empleyado natin? Kung lahat tayo ay umangat ang buhay, sino naman ang magiging bukas pa para mamasukang driver, katulong o labendero/a?
Masakit mang tanggapin, kailangang merong mahihirap sa mundo. Hindi maaaring pantay pantay tayo sa lipunan, dahil umiiral tayo sa “co-dependence”; ang pag-asa ng bawat isa sa iba pang parte ng lipunan. Kumbaga sa gubat, maaawa kang pinapatay ng leon ang usa. Pero tulad ng tinuro sa atin sa Biology, kailangan ito para balansihin ang Ecosystem.
Ganoon din naman sa ating mga tao. Ang tunay na komunistang ideyolohiya ay nakabase sa ekwalidad o pagkapantay-pantay ng mga tao. Meron bang totoong komunistang bansa? Tayo nga, “Republika” pero umiiral ang gobyerno sa “Demokrasya”. Hindi porke’t may “Communist” sa pangalan ng bansa eh komunista na sila. Ang punto ko, hindi gagana ang “tunay” na komunistang ideyolohiya sa kahit na anong lipunan dahil masyadong perpekto ito. At tayo, bilang tao, ay hindi mapapairal ito ng maayos dahil sa likas na hindi natin pagkakuntento. At dahil dyan, gustohin man o hindi, magkakaroon at magkakaroon ng mahirap, ng mayaman, at ng gitna, maaaring lumaki ang isang sektor habang lumiliit ang iba, pero hinding hindi mapupunta lahat sa isa lang.
Sa pangangampanya ng mga pulitiko, nakita nyo na ba silang sila lang mag-isa ang naroon? Parati silang mayroong mga bodyguard, parating may mga driver. Ngayon, kung lahat tayo mayaman, sabihin nating naging may kaya lang, mamamasukan ka bang driver o bodyguard ng isang tao? Hindi sa minamaliit ko ang trabaho nila, ngunit kung ika’y negosyante na at may sarili mong inaasikasong negosyo, pipiliin mo pa bang magtrabaho para sa ibang tao? Bilang driver na mag-hihintay habang nagma-mall ang amo mo, bilang bodyguard na nakatambay lang sa labas ng bahay habang kumakanta, kumakain, at umiinom ang amo mo?
Kailangan natin ang mga mahihirap. Hindi sa ayaw ko nang umangat ang mga buhay nila, desisyon nila yun. Hindi ibang tao ang magdidikta sa isang tao kung gaganda ang buhay nya o hindi, sarili lang nya. May mga mayayaman na walang alam sa buhay at darating ang panahong babagsak din ang estado nila sa buhay, habang may mga mahihirap naman na magsisikap talaga at aangat ang kabuhayan.
Ganun lang naman sa mundo eh, may yumayaman, mei naghihirap, may mga nagiging edukado, merong hindi. Pero nabuhay tayo sa mundo para magkasilbi. Kung lahat na lang tayo mayaman, sino na ang magpapaka-kuba sa kalsada para maglinis nito? Sino na ang magtitiis sa amoy ng kinolektang basura sa mga bahay natin?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa aking opinyon, hindi naman dapat pinoproblema ang mga mahihirap, hindi problema ng gobyerno ang kahirapan. Tulad ng tinuro sa tin ng kwento ni Juan Tamad, hindi matatapos ang araw na mahuhulog na lang ang bayabas sa kanyang bibig. Kahit yung mga nananalo sa lotto ay tumataya rin.
Maari tayong bigyan ng oportunidad ng ating gobyerno para umasenso, pero hindi nito masisigurado ang ating pag-asenso. Nakasalalay sa atin mismo kung ano ang mangyayari sa buhay natin.
Habang marami ang nakaabang sa darating na eleksyon dahil sa inaasahang maging “pag-asa” ng pag-asenso ng ating bansa ang susunod na pinuno, tandaan natin na ang mga pangakong paglipon sa kahirapan ay hindi nya magagawa kung tayo’y maghihintay lang na may gawin siya.
Tayo mismo ang pag-asa ng bayan natin, hindi ang sinumang tumatakbo para sa pagkapangulo. Ang susunod nating pangulo ay yung kaya nating pagkatiwalaan na maging simbolo ng pagbabago ng gobyerno matapos ang halos isang dekadang pamumuno ng korupsyon.
Tinarantado na tayo ng galing at talino ni Gloria, nagsugal lang ang para sa mahirap na Erap. Maaaring maulit, maaring hindi. Kung saan mo kayang magtiwala ka bumoto, hindi sa kung kanino mo gusto iasa ang kinabukasan mo. Wag kang maging tamad na umaasa lang na may gawin para sa iyo ang gobyerno.
Galing at talino, sipag at tiyaga, likas na yaman, buddha beads, relihiyong itinaguyod ng isang tao, puso para sa mahirap, o si mama at papa; kahit sino man dyan ang sinusuportahan mo, tandaan mo na ikaw, at hindi siya, ang mag-aangat ng bayan mo.
Sa aking pananaw, kaya ang mga mahihirap ang kanilang pinupuntirya sa panahon ng eleksyon ay dahil (1) mas madami ang kanilang populasyon, (2) wala silang sapat na karunungan o kaisipan upang makilatis ng mabuti ang mga kandidato dahil sa kakulangan ng edukasyon.
ReplyDeleteSa bilang pa lamang ng mga mahihirap sa ating bansa, kapag nakuha ng isang kandidato ang kalahati lamang sa mga ito ay sigurdao na ang panalo. Madali din lang naman paikutin ang ulo ng mga mahihirap (pasensya na kung parang elitista ang aking pananalita). Ang kailangan lamang tutukan ng isang pulitiko ay kung paano maipaparating na sila ay kakampi ng mga dukha, na sila ang magiging sagot upang mawala ang kalam ng kanilang mga sikmura, na sa kanilang kapangyarihan ay aangat ang antas ng kanilang buhay.
Ang simpleng kaginhawahang maaring matamo ay nakakapanlabo sa pangangailangang maging mapanuri ang mga tao bilang botante. Hindi na isip ang pinapauna sa pagboto kundi ang sikmura. Dagdag pa na pinapabayaan lamang na maging ignorante o kulang sa kakayahang kumilatis ang mga mahihirap upang maging mapanuri at responsableng botante at mamamayan.
Sa huli, kung magiging ganito rin lamang ang sistema natin, wala ding mangyayari. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay wala nang pag-asa. Kinakailangan nga lamang na ang kagustuhan at pag-aksyon para sa pagbabago ay manggaling sa lahat. Hindi yung puro reklamo at pagdidikta na dapat ganito at dapat ganyan ngunit wala namang kumikilos.
eksakto apo.:P kaso paano mo maipaparating sa mga mahihirap to kung hindi mo sila babayaran para makinig?:p
ReplyDeletetulad ng sinabi ko, sila nga ang magpapanalo sa isang kandidato dahil sa dami nila, pero sa kabilang dako, sila rin ang may kakayahang pabagsakin ito.
so problema nga ba ang kahirapan? sa tingin ko, ang problema ay kakulangan ng edukasyon sa mga mahihirap, at kawalan nila ng kusa na kumilos para sa pagbabago.
ang problema ay ang pagpatong ng pag asa natin sa ating mga pinuno sa halip na tayo mismo ang gumalaw at mag trabaho.
ReplyDeletekung nakaligo ka na sa dagat ng basura, o kaya ay natutulog sa bangko o kalsada, o di kaya ay namatayan ng kapatid dahil walang pera, eh BAKIT MAHIRAP KA PA DIN?
mismo. pero tama bang sabihin na likas sa ating mga pilipino ang maghintay lang ng kahihinatnan ng buhay natin sa kamay ng mga pulitiko?
ReplyDeleteyun pa, inisip ko, anu naman maitutulong ng karanasan nya sa pagligo sa dagat ng basura? at pag mahirap ka ba, requirement un?:p
voltaire, tanong lang. sino iboboto mo for president? ok lang kung secret lang. heheh...
ReplyDeletei am for noynoy.:)
ReplyDeletei don't campaign for him outright, i don't have all the answers to convince people to vote for him. it is a decision made after a personal deliberation, probably affected by Tita Cory, the family's support, and personal experiences, but mainly grounded on what i want in my next leader.:P
wahaha ang heavy mo kababalik lang ng aking internet babalikan kita in a while. ;p
ReplyDeleteang edukasyon ng tao ay isang malaking bagay upang maging masusi ang mga tao. ngunit kasama na rin dito ang kalusugan, kabuhayan at kapaligiran. hindi kasi maaring sa isang aspeto lamang.
ReplyDeleteisa pa nga ang ating "Juan Tamad" syndrome na naghihintay na lang ng grasya. maaari mo rin itong isisi sa mahigpit na pagkakadikit natin sa ating mga pamilya na dahil "obligado" ang pagtulong ay nagkakaroon ng mentalidad na "may tutulong pa rin".
I just want to voice my own opinion hahah. I am really not for Noynoy because of the following reasons:
ReplyDelete1) He had no plans in joining the election at all. His decision was just brought upon by the clamor of the people after the death of his mother. Such lack of intent and passion turns me off. I know there were people who were hurled to such circumstances and became a hero in the end but I leave that to fiction and legend.
2) What has he done? I am sick and tired of hearing him mention the heroism of his parents and that he's going to continue it. I want to vote for someone who has done things and has his own set of goals. It seems to me that he's hiding under the shadows of his parents and again a major turn-off. (Just a sidenote, his dad might be a hero but his mom is not [may her soul rest in peace].)
3) I have a sore spot with their lands in Tarlac. A lot of documentaries have been made on how low they treat their workers but there were no improvements on it. The Land Reforms made during the time of late Pres. Cory Aquino wasn't adapted to their lands. Their workers range from 6 years old and above.
I'm not for Manny. So I'm tossing my decision between Gibo or Gordon.
Volt, would you be a dear and delete the reply where I quoted your whole post to save space. I'll just paste my reply here. Thanks
ReplyDeleteI just want to voice my own opinion hahah. I am really not for Noynoy because of the following reasons:
1) He had no plans in joining the election at all. His decision was just brought upon by the clamor of the people after the death of his mother. Such lack of intent and passion turns me off. I know there were people who were hurled to such circumstances and became a hero in the end but I leave that to fiction and legend.
2) What has he done? I am sick and tired of hearing him mention the heroism of his parents and that he's going to continue it. I want to vote for someone who has done things and has his own set of goals. It seems to me that he's hiding under the shadows of his parents and again a major turn-off. (Just a sidenote, his dad might be a hero but his mom is not [may her soul rest in peace].)
3) I have a sore spot with their lands in Tarlac. A lot of documentaries have been made on how low they treat their workers but there were no improvements on it. The Land Reforms made during the time of late Pres. Cory Aquino wasn't adapted to their lands. Their workers range from 6 years old and above.
I'm not for Manny. So I'm tossing my decision between Gibo or Gordon.
as soon as im able to open the main site.:p dun na din ako reply.:p
ReplyDelete