Monday, April 12, 2010

...Kalokohan ng Mahihina: Mahihirap...

(Hey, my Multiply blog's got the text editing up.. Mas nakakagana tuloy magblog dito.=P)

A couple of years back, I bitched about the weak/disabled: how they use their disability to gain the upper hand on just about everything, without making it seem like they're demanding too much. People would just say "pagbigyan na, kawawa naman eh." I got tired of that. To re-read the hate blog, I had to go back to my Friendster account (which means it was THAT long since I wrote it)..

http://voltz2911.blog.friendster.com/2006/03/kalokohan-ng-mga-mahihina/

Ngayon, dahil eleksyon nanaman, puro na lang "para sa mahirap" o "galing sa mahirap" ang mga kandidato. Nakakatawang isipin na pinagkakalandakan ni Gloria ang mga nagawa nya upang "palakasin" ang ekonomiya ng bansa, pero sobrang dami pa rin ng "mahihirap" na inaapilahan ng mga kandidato ngayon.

Pero hindi ito ang punto ng blog na ito. Babalik ako sa kalokohan ng mga mahihinang ito, ang mga mahihirap.

Ilang beses ka na bang nagmaneho at nakatukan ng malakas ng mga pulubi? Ilang beses ka na bang nahingan ng naglalakad na gusgusin habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan mo sa labas ng building?

Masama siguro ako sa pag-iisip ng ganito. Alam ko na may mga taong kailangan talaga ng tulong, tulad na lang nun lalaking kuba na kamay na ang ginagamit na panglakad na namamalimos sa Julia Vargas, o yung mamang bulag dati na nakaluhod habang namamalimos sa Magsaysaya. Pero sabi nga nila, hindi naman kasalanan ang ipinanganak na mahirap; pero kasalanan mo na kung tumanda ka na't matatapos ang buhay mo nang mahirap ka pa rin.

Tila walang pinagkaiba ang mga mahihirap na namamalimos sa mga siga; bibigyan mo ng pera ang siga dahil natatakot ka't baka saktan ka, samantalang bibigyan mo ng pera ng mahirap kasi gusto mo na siyang umalis, o naawa ka sa kanya. Minsan talagang nakakabastos na rin yung mga nanglilimos, at kadalasan ay binibigyan na lang sila para lumayo na. Hayup mangalabit kun nakatayo ka lang sa labas, kung nasa kotse ka naman ay didikitan ng mukha nila ang bintana ng kotse mo. Pag binigyan mo ang isa, dudumugin ka ng iba pa.

Ang pamamalimos ay trabahong tamad. Awa lang ang hinihintay mo para makakain ka sa araw-araw. Init lang ng panahon ang kalaban mo, pero ang gagawin mo lang naman ay ilalabas ang kamay mo at bubuksan ang palad para magkapera. Hindi dapat sinasanay ang mga namamalimos sa "awa" ng may konting baryang kayang ibigay.

Ang mga bata, kung pinipilit lang sila ng mga magulang nila, o ginagamit ng sindikato, ay dapat lumapit na sa mga MMDA o DSWD o Bantay Bata para kupkupin na sila dun. Kahit na wala akong tiwala sa gobyerno, gusto kong maniwala na ang mga institusyong ito ay ginagawa pa rin ang kanilang makakaya para gawin ang dapat nilang ginagawa. Kahit na ibig sabihin nito ay iiwanan nila ang kanilang pamilya, dapat isipin nila na habambuhay silang mamamalimos para sa makakain nila kung mananatili silang kasama ng kanilang pamilya.

Ang mga binatilyo, siguro makakakuha ng raket sa pagiging kargador o runner ng mga bodega, o kahit janitor sa eskwelahan para maging scholar. Ang mga nanay na karga karga pa ang mga anak habang namamalimos ay dapat iniisip na pag may ginawa sila eh may posibilidad na mabuntis sila. Ang mga tila siga talaga na malakas mangalabit pag nanlilimos eh pwede rin sigurong maging kargador or something.

Punto, kung may lakas pa ang katawan nila, sa ibang bagay nila dapat ginagamit ito, at hindi sa pangingikil sa mga tao. Hindi pwedeng tumanda na lang sila nang namamalimos. Hindi dapat sinasanay ang mga namamalimos na nabibigyan sila parati. Wala silang pinagkaiba sa mga siga noong mga bata pa tayo na nangingikil ng piso piso. Habang ang araw araw mo ay pinapasakit ang ulo mo o katawan mo sa kakatrabaho, lalapitan ka ng mga pulubing to para hingan lang ng pera, at ikaw naman, bilang "mabuting" tao, ay magbibigay. Hindi mo tinutulungan ang pulubi sa pagbibigay ng konting barya sa kanya. Hindi aangat ang estado ng buhay nya sa palima-limang piso na binibigay mo. Mabuti pang bilhin mo na ang bente pesos na sampaguita ng batang nagbebenta kesa bigyan mo ng limang piso ang batang kumakatok lang.

Kung gusto mo talagang makatulong, bigyan mo sila ng pagkain, para alam mong sa pang kain ang paglilimos nya.

Pero para bigyan mo sila ng limos? Binibigyan mo lang ang siga ng dahilan para kikilan ka nya ulit bukas.

2 comments:

  1. sobrang totoo.

    ako hindi talaga ako naniniwala sa mga charity institutions na nagdodole out lang. gusto ko ung mga institutions na may pag-aaral na ginagawa, immersion, at gumagawa ng community change.

    kung ako ipinanganak ng mahirap, ndi ako manlilimos. pero hindi rin ako magkakargador. magccallboy lang. hehe. nasasarapan ka na, kumikita ka pa! wahahaha! well at least ndi ako nanlilimos!

    ReplyDelete
  2. tama, at pinagtrabahuhan mo pa.:p wahaha.. kaderder.:p mag-aral ka na lang at mangarap pagkatapos maligo sa dagat ng basura bago magpasko sa gitna ng kalsada. malay mo,isang araw maging mayamang pulitiko ka na mei kakayahang tumakbo bilang presidente.:p

    ReplyDelete