It was a disgrace for our country, inexplicable, and must be addressed. Period. Now, we move on.
=====================================================================
The Miss Universe Pageant was a great diversion to our countrymen who were still shocked with what transpired in Quirino. Add the fact that our country's candidate, Venus Raj, made it through the first cut at 15, then at 10, and finally, to 5.
And then, she bombed in a major, major way.
As it seems, she didn't have any "big" mistake in her 22 years of existence. At least now, she could say something if asked the question again.
But to her credit, she was the only candidate to answer without the aid of an interpreter. Does it show us as "intellectuals", being able to speak a foreign language ably?
====================================================================
Ngayon, susulat ako sa wikang Pilipino, na una kong plano bago ko naisulat ang naisulat ko na (nakalimutan ko eto nga pala gusto ko isulat. Kaso sayang naman yung nauna ko nang nasabi kung isasalin ko pa.)
Sa pakikinig ko sa programa ni Mo Twister sa radyo, naiinis ako minsan sapagkat nakakarinig ako ng mga tumatawag na nagpupumilit mag-Ingles, na hindi naman nila kaya. Sa Facebook, marami din naman ang nagsusulat ng mga maiikling kataga sa wikang Ingles na minsa'y di ko talaga mapigilang i-tama. At kahapon lang, ang tila di-mapigilang panalo ng pambato nating si Venus Raj ay napigilan lamang nang siya'y sumagot.
Masasabi ba natin na bobo ang mga Hapon dahil hindi sila marunong mag-Ingles? Masasabi ba natin na di karapat-dapat si Ms. Mexico manalo kahapon dahil gumamit siya ng tagapag-salin (interpreter)?
Ito marahil ang isang malaking problema ng ating bansa, ang kakulangan ng pagmamahal sa sariling wika. Ipinapakita natin na kaya nating magsalita ng wikang banyaga, para ano? Para ipakita na kaya nating magpa-alipin sa kanila kung dumating ang pagkakataong magkatrabaho sa kanilang bansa? Bakit kinaya ng mga Hapon na itaguyod ang kanilang ekonomiya sa kabila ng di nila pagiging bihasa sa pagsalita ng wikang Ingles?
Sa isang banda, ang "Jejemon" o "Bekimon" na burat na burat na kong marinig ay binibigyan ng atensyon ng media. Nagiging katatawanan man ito, ito nama'y binibigyan pansin at sa isang punto, nakakita pa ko ng isang eksperto ng lenguahe na hinihingan nila ng opinyon ukol dito. Nabanggit nya na di ito nalayo sa "Ghetto language" ng mga itim sa Amerika; isang ebolusyon ng wika. Kung bibigyang konsiderasyon ang puntong ito, dapat pala'y hindi pinagtatawanan ang mga ito; sa halip ay dapat tanggapin ng bukas-palad sapagkat ito'y isang pagsisikap ng ilang tao na i-bagay sa modernong panahon ang wikang sarili.
Pero parang nakakadiri isipin, na patungo sa ganito ka-babang antas ang wika natin.
Ako, bilang ako, ay mahilig magsulat sa wikang Ingles. Ngunit kung kinakailangan, para sa ikabubuti ng wika, na magsulat sa wikang Pilipino, ay sisikapin ko. Hindi tayo probinsya ng Amerika para ipakita ang kakayahan nating mag-Ingles, tama man o mali. Hindi naman nabawasan ang kagandahan ni Ms. Mexico nang ginamit nya ang sarili nyang wika para sagutin ang tanong nya. Hindi naman nabawasan ang kakayahan ni Lyoto Machida ng UFC nang mei nagsalin pa ng tanong at sagot nya. Hindi pagpapakita ng kahinaan o kakulangan ang hindi pagsalita ng wikang Ingles pag tinanong sa isang kompetisyon. Mas nagiging katawa-tawa pa kung iba sa nais ipahiwatig ang siyang nasabi. Kahit si (Congressman) Manny Pacquiao ay minsan nang pinansin ng mga tagapag-ulat na mas pinagpapawisan pa sa panayam sa kanya kumpara sa laban nya mismo. At hindi ito natatago ng "you know?"
Gawin nating kaaya-aya ang wikang Pilipino, bigyang pansin ang paggamit nito ng mas madalas, at huwag nating hayaang tumuloy ang ebolusyon sa wikang "jejemon" o "bekimon" o kung anumang putanginang mon yan.
At pwede ba? Tigilan na ang usapin ukol sa mga "mon" na yan. Habang binibigyan ng atensyon, ay lalo lang lalaganap sa kabataan yan. Magsisimula bilang katatawanan, at di maglalao'y baka maging kultura pa. Tigilan na rin ang pagpapatugtog ng bwakananginang kantang yun sa mga estasyon ng radyo. Hindi na nakakatuwa.
Oo, tinatago ko sa pagiging makabayan ang pagkamuhi ko sa mga bagong klase ng mga salitang yan. Di na talaga ko natutuwa.