Wednesday, August 4, 2010

... Morality, Fidelity, and Legality...

I'm usually the guy who'd treat my elders with respect. I'm a guy who wouldn't talk back out of respect for the older person.

But through the years, I've come to realize that "respect" is earned, and not a God-given right. There are older people that are old, but not respectable. In most cases, I treat my elders as I see fit. Nagmamano ako sa mga dapat pagmanuhan, sa mga taong dapat talagang nirerespeto, samantalang kaya kong makipagkamay o di kaya'y makipag-apir na lang sa mga taong magaan ang pakiramdam ko na tila kaibigan ko na lang sila. There are varying degrees to which I respect my elders.

Last night was one of those rare nights that I get all-righteous and gather up the courage to speak up against an elder.

Situation: My dad went to Tarlac yesterday to take my half-brother to the hospital. He didn't tell my mom, but he was tracked through his phone. When he came back, he said he came from their Sampaloc office. My mom didn't buy it. Eventually, he admitted that he went to Tarlac. Of course my mom went ballistic. 

Now, my problem is not that they fought. My problem is they're fighting because of the same reason they fought countless times already: My dad just wouldn't tell the truth. 

I understand his predicament. At times, you just never know what my mom is thinking. You do one thing or the other, and she's going to have something to say either way. But man, really? He never didn't at least try to tell my mom about it even if it was an emergency?

I heard my mom's piece. I wanted to hear my dad's, and try to figure out how my mom was overreacting. Turns out that it's all there is to it. It was an emergency, and he didn't bother to call my mom because his mind was focused on the kid there in Tarlac, and didn't want to hear any rants from my mom.

Stupid fuckin move. I mean, I could gather the strength to talk back, but if I gathered some more, I would have shouted.

Pa: Ayoko na kasing mei marinig pang kung ano ano, eh away nanaman yan pag sinabi ko sa kanya.
Me: Eh hindi mo sinabi, nag-away pa rin naman kayo di ba?

Pa: ...Sa totoo lang, isang beses na lang ako pumupunta dun sa isang buwan.
Me: Magkaliwanagan nga tayo; sa legal at moral na mundo, ni hindi ka nga dapat tumutungtong na dun eh. Magpasalamat ka pa kako at napapayagan ka pang pumunta dun kahit isang beses sa isang buwan.
Pa: Wag mo kong sasabihan na wala akong karapatan. Illegal man, mei moral akong obligasyon sa mga anak ko dun. 
Me: Eh di padalhan mo ng pera. Yun lang naman obligasyon mo dun di ba?
Pa: Hindi. Gusto kong lumaki yung mga batang yun na tama ang pag-iisip. 
Me: Ang akin lang, respeto na lang naman eh, sa taong pinakasalan mo sa simbahan, sa harap ng Diyos, at sa batas ng tao. 
Pa: Kaya nga nilimitahan ko na na isang beses sa isang buwan na lang ako pumunta dun eh. 
Me: Kasama ba tong pagpuslit mo sa isang beses? Ang punto ko lang, ilang beses na kayo nag-away tungkol dyan, bakit kasi hindi ka na lang magsabi ng totoo?
Pa: Wala naman akong tinatago sa kanya ah.
Me: Eh anong tawag mo sa nangyari ngayon lang?!
Pa: Inamin ko naman ah.
Me: Inamin mo nung pinaamin ka. Nung mei nangyari na!
Pa: Wala naman akong aaminin kung walang nangyayari eh.
Me: Eh putangina kaya kayo nag-aaway! Simula pa lang kasi, sabihin mo na. Sa tatlong oras AT LEAST na byahe mo papunta dun, di mo man lang naisip na tawagan xa? Isang tawag para sabihing papunta ka dun? Tapos patayin mo telepono mo. O? Anong problema dun? At least pag naghimutok si ma na pumunta ka nanaman dun, maitatanong ko na "nagsabi ba xa seio?" at kun nagsabi ka, eh di tapos. Mei bagong naganap. Hindi yung, tinago mo nanaman, nalaman nanaman nya. 
Pa: Basta ako, papapalitan ko na yang mga number na yan. Para wala nang problema. Bahala xa kung anong desisyon nya, basta ako ayoko nang makipagtalo. 

Seriously, I have nothing against those kids. But I am seriously pissed at my dad's flawed logic. For such a strong person, he's too cowardly to face these problems. 

Two things he taught me that he fails to exemplify:

"Kahit ano, pwede, basta kayang panindigan" (So what's with "ayoko na makipagtalo"?)
"May mga problemang pwede namang hindi maging problema" (So what's with keeping stuff from my mom?)

Ang pagpapasa-Diyos ng mga bagay ay hindi pag-asa sa kanya ng mga problema para xa na lang ang gumawa ng solusyon. Isang bulag na pananampalataya ang meron ka kung ito ang pinaniniwalaan mo. Galit ako dahil sa tuwing Linggo na pinipili kong hindi sumama sa pagsimba ay pinagsasabihan akong walang pananampalataya. Sinasabihan akong masama at walang utang na loob sa Diyos. Oo, masama na ko. Pero nirerespeto ko ang Diyos. Naniniwala ako sa kanya bilang aking gabay. Sa hindi ko pagsimba, hindi ko siya kinakalimutan. Nagkakasala man ako sa pagpili ng mga bisyo o kamunduhang hilig ko kaysa makinig sa isang oras na misa, nirerespeto ko naman siya para piliing huwag na lang pilitin ang sarili kong makinig kung ang isip ko naman ay nasa ibang bagay. Sino ba ang hipokrito? Ang linggo linggong nagsisimba at pilit na pinaniniwala ang sarili na tama siya at kayang solusyunan ng Diyos ang lahat ng kanyang problema? O ang taong ayaw magsimba dahil mas pinipiling manood na lamang ng basketball? Pareho? Siguro nga. Pero naniniwala ako sa Diyos bilang aking gabay. At hindi tagapag-solusyon sa mga problema ko habang patuloy kong dinadagdagan sa gitna ng pagsisimba ko. Hindi ako humihingi ng tawad sa Linggo, gagawa ng kasalanan sa ibang araw ng linggo, at hihingi ng tawad ulit pagdating ng susunod na Linggo.

This topic is probably too personal to blog, but I didn't even bother to edit it to make it a pain to read. I just need to vent out and probably let those few who would endure reading this to give me a perspective that I can't see. I posted what I remember of our conversation as accurately as I can. 

2 comments:

  1. I hate that too. Yung sasabihin lang pagkatapos na ng nangyari, o yung nandun at nangyayari na. :(

    I like this blog a lot.

    ReplyDelete
  2. kababasa ko lang nito, awts men, sana ok ka na :|

    ReplyDelete