pinilit kong tumawa. Lord knows i tried. pero ayaw eh... nararamdaman kong bumabagsak ang mga pisngi ko at sumasakit ang ulo ko... meron comedy na nakakatawa sa sobrang corny, pero eto, ndi na nga nakakatawa, pinipilit pa nyang maging corny. pero matinding aral ang napulot ko dun: WENDY RAMAS FILM = Garbage.
SABADO:
(prelude)
Eksena:
pa: mei lakad ka sa sabado?
Me: wala naman po.
Pa: kasal kasi ng anak ni Susan (Dating longtime katulong pero family friend ng pamilya ni papa mula pa nun dahil nga sa pagsilbi kei lolo) eh, ninong ako. Sabi nila wala daw silang bridal car, magttricycle lang daw ung bagong kasal. Naawa naman ako, sabi ko gamitin na lang ung puti (Lancer). Ikaw na magdrive.
Me: ....
Akala ko, pag mei trabaho na ko, matitigil na tong mga impromptu pagpplano sa buhay ko.. But no... Naging habit na siguro.. Pinapagalitan nila ko nun student council days kc nagpapakabayani daw ako sa mga tao, eh wla naman ako kikitain dun.. Naisip ko, at least kun gusto ko tumulong at mag-effort, wala akong dinadamay sa kabayanihan ko.. Eh eto?! Pota talaga..
Sa kasal:
"Ang pinapakasalan mo ngayon, Analyn, ay hindi isang Jansen na perpekto. Sa pagpunta ninyo dito ngayon, tinatanggap mo ang kanyang buong pagkatao, kung ano man siya noon, kun sino siya ngayon, at kung magiging sino siya."
Ang intro ng pari tungkol sa mga bilihin, tungkol sa hirap ng buhay.. Tama naman mga sinabi nya.. Nakakatuwa kasi parang tinakot pa nya un ikakasal, na kahit anung sweet nila ngayon eh pagpatak ng mga ika-6 na buwan nilang mag-asawa eh nagmumurahan na at nagsasakitan, at baka lumabas na ung mga "kung alam ko lang na ganito ka, sana di na lang kita pinakasalan!"
paglakad sa altar, tila kilala nila ang isa't isa, pero paglipas ng panahong magkasama sila, parang nagiging ibang tao na yung isa.. Bukod sa kanilang dalawa, hawak din ng Diyos ang mga kamay nila.. Ang kasal ay isang pangako, isang sumpa sa harap ng Diyos, isang pagtanggap sa buong pagkatao ng mapapangasawa, ang kanyang nakaraan, ang kanyang ngayon, at ang kanyang hinaharap.. May mga naghihiwalay dahil sinisisi nila ang hinaharap na hindi nila nakita noong ikinasal sila.. Pero tulad ng lahat ng pangako, lalo pa'T isang sumpa sa harap ng Diyos, nararapat lang siguro na kasama mo ang sinumpaan mo noong ikinasal ka, nagkasala ka man sa kanya, tulungan mo ang sarili mong itama ang sarili mo.. Noong sumumpa ka, siya at ang Diyos ang mga kasama mo, ang iba ay mga nakikain lng sa reception.. Wala nang iba kundi kayong tatlo.. Sa habambuhay sana, kayong tatlo pa din ang magkasama.. Kahit wala na ang iba..
Wala pa nman akong kaibigang kasal.. Wala pa namang sumusumpa.. Pero naisip ko lang, tama din ung sinabi nung pari.. Di mo kailangang sumuko..di pdeng gawing dahilan ang mga kasalanang nagawa, o di kya'y ang mga pangarap na di natupad.. Basta un isang pangako na un sa harap ng Diyos ay mapanindigan..
Mei natutunan ako, pero di ibig sabihin natutuwa ako..
Eksena sa utak ko: 2 kami sitting on the roof ng anfra, un anfra parallel sa gilid ng road, kami naman nakaoverlook sa matinding view pag nakaupo sa bubong, tpos super stargazing pag humiga sa bubong. overlooking while eating stuff na naburaot.
Actual na nangyari: Antipolo, kasama si Che (na walang jacket at naka sleeveless na damit. mei sipon pa. imagine mo na lang ang ngatog nya.). akyat kami ng ever popular Cloud 9, thinking na pde kami magpark at chill na lang. unang problema: baduy ng view. pangalawang problema: wla kami pera. pde sana kami magstay sa isa sa mga pav nila, ang kaso, ndi nakakatuwa un mga tao sa paligid. parang kanina pa lasing. at marami sila. di naman lahat magkakasama, pero marami lang sila, at makakasira ng mood lalo sa eksenang naisip ko. ndi enjoyable, ndi sweet. naghanap pa kami. kaso puro resto na mei bayad.
nakakainis. wala na un freedom sa antipolo. wala na un stop ka lang sa gilid tpos look at the view. siguro pde pa rin gawin un, kaso wala na un magagandang view. either nahaharang ng mga punong ayaw pang putulin, o di kaya'y nahaharang nga mga establishment. kun titigil ka rin sa isang tabi, andaming jologs na naglalakad. ndi na rin safe.. haay.. the good 'ol days... takbo na lang kaya ako governor ng antipolo? tpos pasara ko mga putanginang mga un... para mas clear ang kalsada sa mga tulad ko kagabi na gusto magpaka-emo... peste talga..
so in the end, we still got to eat some food and stay on top of the car... un nga lang sa dulo ng street namin... di rin naman kami nagtagal, kasi nga kun nagtagal pa kami, eh popsicle na si che ngaun...
potang mga mayayaman at gusto kumita ng pera. pati ang emo ginagawan nyo ng paraan para kumita kayo... wala na ang magic ng antipolo. un magic at excitement na dala ng pangalan na un nun bata ako eh naging isang lugar na lang sa isip ko dahil sa naranasan ko kagabi... syet tlga...
LOTTO is the key.
ReplyDeletehindi ko kinaya. next tym wg na tlga manonood ng mga WENN DERAMAS films. tarantado sha. gumagawa ng mga pelikulang nagpapababa ng kalidad ng pinoy movies at higit sa lahat nagsasayang ng pera ng tao. hayup. hahaha. i had my last straw sa APAT DAPAT, DAPAT APAT. puta tlaga.
ReplyDelete