Thursday, March 6, 2008

..."Ramdam ko ang asenso!"...

...sabi ng commercial. Lumalakas ang piso. Dumarami ang mga trabaho. Oo nga ata, umaasenso nga ata ang buhay!

Pero bakit ako mismo di ko nararamdaman?

May kotse sa bahay, ayokong gamitin, kasi ang mahal sa gas. Kahit un Volkswagen Beetle na dapat eh napakatipid eh kailangan kong kargahan ng 500 para lang mabisita ko ang girlfriend ko sa UST at ihatid siya sa Pasig bago ako umuwi sa Cainta. Dati kahit panu, 2 araw tinatagal ng 500. Ngayon, isang gamitan, boom. 500 pesos. Kung itinatae lang ang pera, ok lang sana. Ganun ba ang asenso? 

Unang trabaho ko, call center. 16K kaso graveyard shift. 1 day processing lang. Marami nga atang trabaho para sa mamamayan. Naisip ko makalipas ang ilang buwan, ayoko na. Hindi iyon ang pinangarap kong gawin sa buhay ko. Iniwan ko ang trabaho at ang pagkakataong makapag-ipon. Marami namang trabaho dyan eh. Pero makalipas ang dalawang buwan, ayun pa rin ako, nakatengga sa bahay at nag-uubos ng perang kinita sa call center. Ang unang trabahong nagbigay sa kin ng pagkakataon eh tinanggap ko na agad kahit na tila call center pa rin un. ok na kesa patuloy na maging pabigat sa bahay. Nakakainis lang kasi tila nawawalan na ng saysay ang pag-aaral ko. Graduate naman ako, pero un supervisor ko nagstop ata 3rd year college. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan ng mga hindi naka-graduate. Ang akin lang, sana pala eh di na rin ako nag-aral at nag-call center na lang. Baka supervisor na rin ako ngayon. Iyon ba ang asenso?

Sa usapang trabaho rin, nakita ko ang payslip ko pag may trabaho ako. Parating mei "deduction" ang tax, Pag-ibig, at kung anu anu pa. HIndi ko maintindihan bakit ganun, nagbabayad naman pala ako ng tax, parte rin pala ko ng nagpapasweldo sa gobyerno, pero bakit kailangan akong kotongan pa ng pulis? Di pa ba sapat na nababawasan na ang sweldo naming mga nagtatrabahong mamamayan para maswelduhan sila para kami pa mismo eh kotongan nila sa mga walang kwentang kadahilanan? Minsan, sa Cubao, galing Aurora, 10.30 ng gabi. Gusto ko sa EDSA dumaan. Nakakita ako ng MMDA. Dahil lang nirerespeto ko ang uniporme ng awtoridad, tumigil ako para tanungin kung pwedeng lumiko, dahil may kotseng nauna sa kin na pinatigil niya at maya maya'y pinatuloy din. Hiningi nito ang lisensya ko, at sinabing swerving daw ako. Sabi ko sinusundan ko un kotseng nasa harap ko. Bakit kako pinadaan nya iyon. Ang dahilan na lang nya sa kin "Sir, kasi gobyerno po yun eh, wala tayong magagawa dun". Tapos ako eh hiningan nya ng 200. Bakit ako nababawasan sa sweldo ko? Para mei maisweldo sa mga taong tulad nito? Pinapahirapan ko lang pala ang mga kababayan ko dahil nagtatrabaho ako at binabawasan ng tax. Pasensya na po, pero ganito ba talaga pag umaasenso ang buhay?

Ilang beses ko nang naririnig sa balita na sinasabi ng presidente na dahil daw sa "stability" ng kanyang gobyerno ay lumalakas ang ekonomiya, lumalakas ang piso. Pero kagabi lang,  napanood ko sa balita na tataas ang mga bilihin: karne, isda, gulay, kahit de lata ay magtataas na, at ang sinabi ng pinuno ng departamentong ito ay wala daw tayong magagawa. Di ba pag lumalakas ang piso ibig sabihin mararamdaman nating kahit paano eh gumagaan ang buhay? Yun tipong sa piso mo eh makakabili ka na ng 2 Tarzan na bubble gum? Kung lumalakas ang piso, bakit tumataas yun mga bilihin? Ganito ba umasenso?

Sa usaping ekonomiya rin, bakit ang presidente ang umaangkin ng papuri sa pagdami ng trabaho at "paglakas ng piso"? Wala naman akong nakikitang trabahong handog ng presidente bukod sa street sweepers. Puro call center, puro dayuhan ang nagbibigay ng trabaho sa mga naghahanap. Ang pag-asenso ba, ibig sabihin ay ipapaangkin mo sa dayuhan ang kalahati ng bansa mo? Sa paglakas naman ng piso, hindi ba't dahil sobrang daming nadidismaya sa bansa at naghanap ng trabaho sa ibang bansa kaya lumalakas ang piso? Di ba't lumalakas ang piso dahil sa OFW remmitances? Pero bakit ganun, tulad nga ng sinabi ko, kung lumalakas ang piso, bakit kailangan pang magdusa tayo lalo? Dahil kaya dito: http://www.bworldonline.com/Research/populareconomics.php?id=0073 ??

Sa tuwing manonood ako ng sine, o kaya sa kalagitnaan ng panonood ko ng PBA minsan, sinisingit ng gobyerno ito. "Ramdam ko ang asenso!" Mga regular na tao, nagsasabing nararamdaman nila ang asenso. Naalala ko, regular din naman akong tao ah. Bakit di ko masabi ito? Magkaiba kaya kami ng depinisyon sa "asenso"? Kung ang asenso pala ay ganito, ayoko na. Gusot ko na lang maghirap. Baka mas gumanda pa ang buhay.

24 comments:

  1. kinukumpiska lang kasi ng gobyerno at ng malalaking negosyante ang sinasabi nilang asenso kaya hindi natin maramdaman.

    ReplyDelete
  2. "kumpiska"

    sabagay... mas maganda nga namang gamitin ang salitang to, bagama't mas angkop ang "ninanakaw"...

    ReplyDelete
  3. Anong asenso? E di mo na nga magawa ngayon yung mga bagay na dati mong ginagawa, di ba?

    ReplyDelete
  4. ako hndi!!!

    ang baba ng dollar !@#$%^&*()_+ yan


    si arroyo lang nagsasabi na "ramdam nya asenso" ikaw ba naman may kickback na million dollar eh, talagang ramdam nya asenso.

    mas marami naghihirap ngayun kumpara dati.
    nong panahon no cory galunggong lang tumaas eh,
    ngayun si gloria nakaupo pandisal ang tumaas.

    ReplyDelete
  5. sabi nila eh. pinapatunayan lang sa commercial na un na pwedeng ibenta ng isang tao ang sarili nya basta mei bayad. naniniwala man sila o hindi sa sinasabi nila, basta't may sapat na kabayaran, ok na sa kanila. ay, pasensya na po ginoong razon...

    tulad po ng alin ang mga nagagawa dati na ndi na ngayon?

    ReplyDelete
  6. funny. o nga. kala ko masakit nang paliit ng paliit ang pandesal, un pala eh magtataas pa ng presyon ang pandesalets (mini pandesal)..

    ReplyDelete
  7. Naalala ko lang dati, nung high skul pa ako, kaya ko magload ng 300 pesos na prepaid card every week (or kahit once every two weeks) provided by my parents... Pero ngaun, putang ina, ung 50 pesos na autoload ambigat pa sa bulsa para sa isang linggo.. dati, ang pasahe sa jeep, 4pesos lang, pero ngaun halos doble na in just 4 years.. asenso ba un? grabe..

    ReplyDelete
  8. nung elementary ako, ang chippy na maliit, .75 lang. ang coke 8oz ay .75 lang. kaya sa halagang P2.00, may chippy at coke ka na hehehe

    ReplyDelete
  9. jen hndi ko na naabutan yan ah.. hehehe

    naabutan ko lng pasahe sa jeep is 1.50

    ReplyDelete
  10. nung grade 3 ako, 20 sentimos ang jeepney, ang tricycle 15 sentimos

    ReplyDelete
  11. yikes! talo mo ako hehehe
    hindi ko na yata inabot yon hehe

    ReplyDelete
  12. Lahat ng presyo ng pangunahing bilihin tumataas... maliban na lang sa kanya.

    ReplyDelete
  13. kaibigan, away na yun. naiintindihan kong pareho tayo ng hinahangad na mapatalsik si gloria para sa ikabubuti ng bansa. pero tulad nga ng sinabi ko na, may parte rin tayo. wag tayong magpadala sa galit lang. kailangan may pagbabago rin na mangyayari sa puso ng tao. pare pareho tayo ng hangad ng mga taong yon, ang magkaroon ng matinong bansa. pero magkaiba ang nakikita nating paraan upang makamit yon. tulad ng tawag ng cbcp, malabo rin marahil para sa atin ang intindihin ang kanilang mensahe. pero sa panig naman nila, bayad man o ndi, opinyon nila yon. sa paghahanap ng away at pagpapalaki ng gulo, mas marami lang nalalayo sa panig natin.

    ganito na marahil ang nagiging problema sa atin, tulad na rin kung bakit si gloria pa rin ang presidente bagamat nagkaron na ng eleksyon: hindi tayo nagkakaisa. tayo tayo nagkakaaway-away dahil sa iba iba nating pananaw bilang solusyon. kung si ping at fpj ay tumakbo sa iisang bandera noong nakaraang eleksyon, tingin mo ba kaya pang dayain ni gloria ang eleksyon? sa hindi natin pagkakaisa, nasisira lang natin sarili natin. sa pagpapalaki pa ng diskusyon sa link na yan, dinaragdagan lang natin ang problema natin. ndi mo na kailangang humingi ng tawad dun. tama na siguro ang naparinig mo ang nais nating iparinig. hindi lahat ng tao maiintindihan ang nararamdaman natin. kaysa magkaaway-away pa tayo ay wag na lang natin pang palakihin ang lamat na nagawa na.

    ReplyDelete
  14. yan. dahil dito naglabasan ang edad ng mga tao.. hehe...

    grabe, buti pa sa commercial, ramdam ang asenso. sana commercial na lang ang buhay. mga dalawang minuto lang, tapos na agad, at sa buong dalawang minuto na yun, totoo man o hindi, masaya ka naman sa buhay mo.

    ReplyDelete
  15. May post ako dun sa link n bngay ni zaidkram.

    ReplyDelete
  16. yea dude cool na cool.

    naasar lang ako sa mga the mob, sarap paguntugin.

    hehehe

    yung post dyan sa link parang christian version ng mga EO and Executive Privilege. kung yan ang mga pangharang sila verse, para yung mga ibang kristianong nakakabasa eh manahimik nalang.

    pastor ko sya pero hndi nila pwdeng gawin sakin yun na manahimik nalang sa isang tabi. dumaan nako sa maraming pakikipaglaban para sa administrasyon na ito ngayun paba ako mananahimik sa isang verse lang.

    ReplyDelete
  17. A man who remains stiff-necked after many rebukes will suddenly be destroyed—without remedy.
    When the righteous thrive, the people rejoice; when the wicked rule, the people groan. - Proverbs 29:1 to 2

    remove the wicked from the king's presence, and his throne will be established through righteousness. - Proverbs 25:5

    ReplyDelete
  18. langya ang hindi na nga lang tumaas eh ung fishball sa tabi tabi.. >_<

    ReplyDelete
  19. dude

    yung regarding dito, yung gumawa ng GUIDELINES

    http://fcabiling.multiply.com/journal/item/110/An_Encounter_With_Bishop_REUBEN_ABANTE_BIBLICAL_GUIDELINES_In_Addressing_The_Present_Political_Crisis

    Reuben M. Abante is Presidential Adviser

    hndi nako nagtataka na naglabas sya ng Christian like E.O 464 Guidelines,

    hndi narin ako nagtataka sa pagamit nya ng bible para ipagtatangol nya ang amo nya

    ReplyDelete
  20. dude... wag nating kalimutan...

    marunong din magdasal ang demonyo... dati syang anghel diba?
    magpapanggap syang alagad ng tagapagligtas para lang manloko... :D

    ReplyDelete