Tuesday, August 26, 2008

...truthfest...

di ko alam kun mei pagkukulang... siguro late ako dumating kaya  un mga emo na lang na dugyot ang naabutan ko at di ko  na naapreciate un truthfest... nadismaya ako sa mga taong naabutan ko dahil ndi ko alam kun alam nila kun bakit sila andun....


umiiyak si manang... kinwento nya ang panloloko sa kanila ni gloria sa lupang tinitirahan nila.... kahit anung pilit ko sigurong husayan ang pagsusulat, ndi ko mailalarawan ang naipadama ni manang sa akin habang kinukwento nya ang garapalang pagpapakitang tao ni gloria, sabay tirang patalikod sa mga taong umasa sa pangakong kanila na ang lupang tinitirikan ng mga bahay nila... nangtokwang mga tao, sumisigaw, nagchcheer sa ndi ko maintindihang mga kadahilanan... ewan...


matagal nang pinaplano itong truthfest, akala ko eto na un gigiba sa administrasyong tiwali, lalo na't sa mga nangayari sa kasalukuyan na garapal nyang pagpirapiraso sa bansa natin... pero ndi pa pala....


pero sabi nga ng kaibigan kong si pia, "matibay na pader ang binabangga" natin ngayon...


pukpukin pa natin. matitibag din yan...


di ko alam kun anu magagawa ko. minsan natanung na ko sa isa sa mga sinagot kong blog.... "hanggang saan ang kaya mong ibigay?"


sa totoo lang, ndi ko alam... sa ganitong laban ndi ko alam ang gagawin ko... pero tutulong ako sa kun anu man ang pde ko magawa... sa ngaun, pagbalita sa mga taong malayo ngunit mei malasakit pa sa bansa... kung anu pa mang iba, andito lang naman ako...


eto ang taya ko....


ikaw, meron na ba?

3 comments:

  1. magikot at magbigay ng edukasyon.
    nagbabalangkas na kami nila sakay,
    kailangan ng malawakang paggapang sa masa,
    at pagtuturo sa kanilang
    a better world is possible.

    mahirap nga itong laban natin kahit madami pa tayo,
    dahil pader na sila, sabi ni uncle mo, mga oligarkiya,
    mga iilan na may hawak sa mga pinakamalalaking serbisyong
    kailangan natin... kaya hindi tayo basta basta makaimik.

    langyang ZTE yan hindi lang pala sa NBN deal,
    meron din itong mga mining deal sa ibat ibang bahagi ng bansa
    na dapat mapigil. kung butas butas ang ZTE-NBN anong aasahan
    sa iba pang ZTE deals?

    dapat di na pinapatuntong yang ZTE na yan sa bansa eh! sigh!

    ReplyDelete
  2. kuya andun din ako..:) nakita ko nga nung nagsalita uncle mo eh..hayy..tunay ka ngang mahirap kalabanin ang gobyerno ngayon laluna't ginagawa nito ang lahat ng paraan para hawakan ang kapangyarihang hindi naman nararapat sa kanila..pero TULOY ANG LABAN!!hangga't may mga katulad pa ang uncle mo sa gobyerno na mas iniisip ang kapakanan ng nakararami kaysa sa sariling ganansya, hangga't may mga mga masang naapi, hangga't may mga Pilipinong hindi napapagod sa kakapunta sa lansangan..TULOY ANG LABAN!!

    ReplyDelete
  3. nagphotoshoot lang kami dun :D
    jokeness... check mo 'to di ka pa yata nadalaw...
    http://otsopya.multiply.com/photos/album/126/

    ay kaso restricted lang po for individuals kasi nga di ba
    absent si otsopya sa office eh contacts nya yun boss nya wahehehe...
    masight niya pa kung asan yun babaeng yun :D

    ReplyDelete