Tuesday, May 19, 2009

...On Starbucks, Alec Baldwin, and Friends,

I was never a fan of Starbucks. They're coffee is expensive, everyone thinks it's "cool" to hang out there (making it filled with people from class A down to E), and add to the fact that I'm not a coffee drinker. But after yet another episode of the waiting game with Che, I think I finally appreciated actually spending on a Starbucks...

PDF book in hand (via Bookr-PSP PDF reader application), Boys Night Out plugged on my cellphone radio, my wallet serving as paperweight for my tissue, and a Dark Mocha Berry Frappucino on the table of a quiet Starbucks (mainly because it's a 24-hour shop not commuter-friendly, but is directly below a callcenter, which has employees coming in after 8PM at the earliest), sitting on a comfy chair by the corner did the trick.

Besides, it was an avenue to get to know people from work (the old people) because they always treated me to it after lunch ("always" here is all the time they invited me, which was like, 5 times), and I got to talk to a seemingly impenetrable person, though I felt he had such a short attention span.

Anyway, good things happen in Starbucks. If only I had the money to burn on overpriced beverages everyday.
==============================================================
On "Offending" comments and "Mayhem"

David Letterman: So being in a big family, are you planning to have a big family yourself?
Alec Baldwin: Yeah, yeah, I'm actually planning to get a mail-order Filipina wife. Or Russian.
David Letterman: Or from me. Later.
(laughter)


Dahil sa komentong ito, "nanggalaiti" ang "butihing" mambabatas na si Bong Revilla (di ko magawang lagyan ng "Senador" sa simula.) dahil niyuyurakan umano nito ang pagkatao ng mga Pilipino, at dahil dito ay babasagin daw nya ang mukha ng aktor kun tumungtong siya sa bansa. Ilang mambabatas rin na mga babae ang humihingi ng isang paumanhin mula kei Baldwin.

Sa akin lang: yun nangyari sa Desperate Housewives, yun, nakakabastos. Nagpapakahirap ang mga nurse na dumadayo sa bansa nila tapos gaganunin lang nila. (Sa ndi nakakaalam, ang lumalabas na nais nilang iparating ay ndi maganda ang kalidad ng mga nurse na Pilipino)

Etong tila pagkilala ni Alec Baldwin na mapupulutan ng mail-order wife ang Pilipinas ay, oo, nakakabastos, pero ndi ko naman masyadong naramdaman na "nayurakan" ang pagka-Pilipino ko. Sa Q.Ave andaming nakapila. Ang ilang mga kalye ay nagliliwanag sa gabi habang ang mga babae ay nakapilang nakaupo sa labas ng lugar nila. Laganap ang putahan sa bansa. Eh ano naman ang ginagawa ng mga mamababatas para baguhin ito? Tansha ko eh magpasa ng mga batas na ndi naman nasusunod.

Puro palabas. Malapit rin sa eleksyon noong ni-raid ni Bong Revilla ang Quiapo ng mga piratang DVD. Matapos ang ilang araw, ayun nanaman ang Quiapo. At hanggang ngayon andyan pa rin ang Quiapo. At ang mga DVD.

Oo, pirata rin naman ako, at nakikinabang din sa mga produkto ng Quiapo. Di ako nagmamalinis. Naiinis lang ako kasi pinapalabas ng mga mambabatas na ito eh mei nagagawa sila upang aksyunan ang pag-ayos ng imahe ng ating bansa habang ang katotohanan ay nagpapakitang gilas lang sila.Parang yung batang inutusan mo maglinis. Ipapakita nya na nalinis na nya ang kwarto nya, p ero ang totoo, pag binuksan mo un cabinet, makikta mong sobrang kalat at ndi nakatupi ang mga damit nya, at pag tiningnan mo ang ilalim ng kama ay naroon lahat ng alikabok. Pakita lang sa tao na mei nagawa na xa, pero nakatago lang sa ndi mapanuring mata ang lahat ng dumi.

Ndi ako pumapanig kei Alec Baldwin. Ang punto ko lang, nagsabi lang siya ng isang katotohanan, bakit ganito naman mag-pupuputok ang mga mambabatas at ndi na lang nila patunayan na ndi talaga ganun ang Pilipinas? Na totoong natutupad ang mga batas na meron sila? Dapat siguro mei magdala sa mga mambabatas na ito sa Q.Ave man lang.

Nabanggit din ang mga Russian dun. Mei narinig ba kayo tungkol sa mga senador nila?

Uso ba talaga sa gobyernong ito ang pag-usig sa nagsasabi ng totoo? Kung mali ang sinabi, patunayan, at magpakita ng ebidensya kesa mang-hingi ng "sorry" at mang-banta.
=================================================================
On Friends

Girls have it better. They can have fun, they can be emotional, and they know where to draw the line. Guys? We have fun, but when a guy gets emotional, the others either change topic, draw their attention on hobbies, drown in alcohol, think you're gay, or if he's really unlucky, have a giant bottle of Colt 45 fall on him.

So being a guy, and having lots of friends, I don't necessarily have to fall prey to being lonesome. But I have a feeling I am.

I have made close friends out of people. But, these people have different perspectives. And at some point, meaning, after the pour-out session, some just don't know when to shut up, some don't know which is a touchy issue that still cannot be talked about, some use what they knwo to somewhat blackmail you, and some are just plain insensitive. There are exceptions, of course.

Maybe it's because of finishing a book about friends that I suddenly yearn for a "best friend".

But at the end of the day, I'm still a guy. I'm bound not to have a "best friend" without us being labelled as Rovilson and Marc wannabes. Right now, I'm fine with my wingmen. I got my everything in Che anyway.

...just not a friend-friend.

22 comments:

  1. Naku, meron pa yan kanina, TV Patrol ata yun. Yung about kay Hayden at Katrina, umabot na daw kasi sa senado ang sex video. Tapos Bong wants to have Hayden stripped of his license. May sinabi sya eh, parang "kini(ki)labutan" daw sya or something. Basta, the way he said it, it could've been a "you disgrace me" type of line in a movie, very theatrical. In tagalog, "palabas" lang. Sobrang natawa ako nung nakita ko yun. Bihasang bihasa sa pag-arte! Pwede na ulit may part 2 ang Resiklo! hahaha

    ReplyDelete
  2. "will reek mayhem on alec baldwin" was what he said sabi ni mo twister kaninang umaga sa morning show.

    gusto ko rin nga sana isingit un hayden issue eh, kaso baka magalit nanaman si ate len at si tracy dahil napakahaba nanaman ng blog ko. mababawasan pa theatrics kun sobra haba na at maging dragging.=P

    ReplyDelete
  3. true.. kea nga nakakapag dalawang isip na pumuntang tate..

    pero mga adik na yun kung sasabihin nila mababang kalidad ang mga nurse sa kanila eh bakit filipino nurses pa rin ang hinahanahap hanap ng mga packingsheets na yan..

    cenxa na nkakahigh blood eh =p

    ReplyDelete
  4. bong revilla hay. i abhor him even more when it comes to the dr. hayden kho scandal.

    ReplyDelete
  5. i abhor him, period. i don't understand why he didn't even finish last in the senatorial elections. our criteria for choosing a leader needs a serious makeover.

    sidenote: listening to the morning show on the magic, as it seems, a morning show in LA is actually making fun of bong revilla's "mayhem" issue. they have the same idea, that it is happening, and they can't defend the country by saying we have "strict laws" against it, because it still is happening. the host knows someone who got a mail-order wife from the country and he said both parties are happy.

    truly. it's stupid. asking for an apology.. serving "mayhem"... sheesh. an apology from alec baldwin or him getting a beatdown won't stop mail-order brides.

    ReplyDelete
  6. Guys, relax...let's just admit that Bong Revilla is plain stupid. period.

    ReplyDelete
  7. iyan ang kagandahan ng pagmamalasakit, maski peke o bobo pwedeng-pwede ibigay. mano ba namang hanggang scandal-level lang ang kaya niyang tuligsain? ang walang kamatayang benefit of the doubt ang dapat ibigay para jan. anyway, kung nakakainis si bong revilla, nakakarimarim si hayden kho. he's so ewwwww.

    ReplyDelete
  8. haha...wag ka na magalit kay hayden kho. why get angered, katrina halili agreed to do it anyway? only, probably, she wasn't paid for this one. She even presents herself almost naked on films and photos, is there really a difference between "acting out" a sexy scene and actually doing it for your own pleasure? even baldwin doesn't have to be hated for his statements, the fact remains that there are a lot of filipino women who are into that "business." Instead of hating these men,pin down the women for submitting themselves to prostitution. hehe.

    ReplyDelete
  9. kaya nga nun nagkaroon ng senate investigation nun sa tito mo voltz puro kabobohan lang ang matnaong ni Bong Revilla e. wahahaha wala na kasi maisip yan pards

    ReplyDelete
  10. di naman galit. nandidiri lang. =P hehe.

    sa anumang anggulo ang babae ang lugi. mapa-desisyon niya o pinagsamantalahan siya, mali pareho. tanga na, pinagsamantalahan pa.

    ni di dapat pakialaman si baldwin. pag nagbasa sila ng gabriel garcia marquez, baka ma-offend sila at i-ban ang works ng kawawang author dahil sa mga maliliit na adjectives tungkol sa Pilipinas.

    tutal naman "nagmamalasakit" na si revilla, sana pakialaman niya na rin yung LBC commercial. nang may magawa naman siyang tama.

    ReplyDelete
  11. akalain mo. pde pla paiksiin un part ng blog ko sa isang square na ganito.=P

    the hayden kho vids are but products of a perverted mind combined with a weird fetish. according to SNN, (i seriously need to get a life) katrina halili didn't know hayden set those cams up.

    still, it's not a matter that should be given this much attention.

    i could see bong revilla's next political campaign: "tagapagtanggol ng moralidad ng kababaihan laban sa sex scandal... tagapagtanggol ng pangalan ng bansa sa mapanghusgang (kliente) banyaga... bong revilla... manginginig ang kalamnan para sa yo. "mayhem" ang ihahatid sa mangaapi sa bansa mo..."

    ReplyDelete
  12. ayun o!! dun na puno't dulo ng pagkasuklam kei revilla.=P wahahhaha..

    ikaw naman, kaka-bati pa lang ni bong at edu, pag-aawayin mo nanaman sila...=P besides, baka ubos na metaphors ni bong revilla para ilarawan ang nararamdaman nya sa commercial na yun.=P nagamit na un "nanginginig na kalamnan" "nabastos" "nasuklam" "nagalit" at ilan pa ndi lang sa media kundi pati sa senate floor (na nakakatawa kasi pinapakita un ichura nun ibang senador, wala naman nakikinig kahit nagsisisigaw na xa.)...

    ReplyDelete
  13. ilalabas niya ang sandmakmak na agimat niya sa baul nila sa bahay at hahasain na ulit ang espada ni Panday. :D

    ReplyDelete
  14. tama. ang prosesong gagawin nyang yon ay tatawagin nyang pag-Resiklo.=D

    ReplyDelete
  15. kalokohan lahat yan.

    tsk.

    dapat gawin nalang nila yung mga video ni Backyard Dunker

    ReplyDelete
  16. happy birthday kahapon!:)

    napanood mo na ba ginawa ni greg? hehe... akin linya lang, xa mei buong video.:)

    ReplyDelete
  17. ano naman kung taga cavite sha?loko ka ah! imus yun oh.malayo sa noveleta. tahimik na ko..baka ako awayin ng mga taga cavite.

    ReplyDelete
  18. natatawa ako sa thread na ito. dynamic! :)

    love ko si pia cayetano habang nagpprivilege speech si bong sa senate. tumatawa ng patago. hehe.

    ReplyDelete