Ilang taon na rin ang nakalipas, at napag-usapang muli ang prinsipyong ito. Napagtanto namin, sa diwa ng pagkapantay-pantay, na di lang dapat ang lalaki ang may prinsipyong nagpapalakas ng loob ng mga tila sawi sa pag-ibig. Dahil dito, nagawa naming humantong sa prinsipyong JDB (Janice De Belen), na ang pangunahing prinsipyo ay:
Daig ng Malandi ang Maganda.
Tulad ng Otil Dipal Principle, alam nating may alas talaga ang mga gwapo sa mga pangit, ngunit talo ng madiskarte ang gwapo (Olgado, 2008). Sa prinsipyong JDB, tiklop naman ang magaganda sa mga malalandi, dahil, oo nga naman, aanhin pa naman ang ganda kung di ka naman papatol sa nais mong maka-"hook-up".
Bibigyan katwiran ko lamang ang paggamit sa kanya bilang halimbawa katapat ni ginoong Lito Lapid: habang nakikita naming baduy si Lito Lapid at ang porma nyang Leon Guerrero, pag binasa at isinapuso mo ang Otil Dipal principle, makikitang hindi lamang sa hitsura nagiging matagumpay sa larangan ng pag-ibig. Si Janice De Belen, bilang ang babae sa larawan sa baba, ay isang nilalang na hindi siguro nanaisin ng mga babaeng maging sila. Ngunit, kung tutuusin, marahil pinangarap ng mga babae na maging nasa posisyon sana ni Janice De Belen, o JDB: kabilang sa mga kasintahan nya ay sina Aga Mulach, John Estrada, at Gabby Concepcion. Pakitaan mo ko ng babaeng mayroong ganyang listahan, at ako'y luluhod sa kanyang harapan.
Alinsunod muli sa Otil Dipal principle, gumawa rin ako ng mga prinsipyong gumagabay sa pangunahing prinsipyong JDB:
1. Ok lang mauna. Modernong panahon na.
Noong panahon ni Kopong-kopong, hindi dapat si babae ang lumapit kay lalaki, sapagkat hindi ito kaaya-ayang tingnan. Ngunit sa panahon ngayon, alaws na si Maria Clara kay Girlieing Malandi. Nabubulok na sa kakaantay si Maria Clara, samantalang si Girlie ay natikman na lahat ng lalaking nais pumorma kay Maria. Sa modernong panahon, kailangang ikaw na ang kumilos, dahil mabilis maubos ang kalalakihan sa mundo: kung wala silang syota, ang mga matitino ay posibleng bading o torpe. Wala kang aasahang kinabukasan sa lalaking lalapit sa iyo at magbibitaw ng pick-up line.
2. Ang kagandahan ay panglabas na anyo lamang.
Ang totoong kagandahan ay nasa loob. Kung pangit ka talaga, wala kang karapatang maging maldita. Kapal naman ng mukha mo. Dapat pumili ka lang sa pagiging one-of-the-boys o yung pang-tropa, dahil di ka naman magiging pa-next. May isa sa mga yan na magiging sawing-sawi sa buhay nya na posible mong makatuluyan dahil makikita nyang nariyan ka parati sa panahon ng kanyang pangangailangan, at siyang makakakita ng totoong kagandahan mo. Kung masyado mo namang pinapansin ang panlabas na kaanyuhan mo, concealer lang ang katapat nyan. Pero, payong kaibigan, magpakatotoo ka na lang. Utang na loob. Wag mong lokohin si Boyet at ang sarili mo sa pamamagitan ng paglagay ng napakaraming concealer sa mukha mo.
3. Confidence, and lots of it.
Sa totoo lang, bilang lalaki, kahit may kasama kang kasintahan; ilang beses ba na may dumaang naka shorts o naka-plunging ang hindi mo tiningnan? Hindi lahat ng naka-malanding kasuotan ay "pwede". 8/10 na beses, olats ang nakasuot nito. Ngunit, sa mga nagsuot nito, matagumpay nilang nakamit ang nais nila: ang mapansin ng kalalakihan. Pangit man o maganda, ang pagsusuot ng malanding kasuotan ay siguradong makakapagpalingon ng kalalakihan. Kung di panatag ang iyong kalooban na magsuot ng malanding kasuotan, isipin mo na lang, may mas mababa pang kartada sa iyo na kayang magsuot ng mga kasuotang ito, at sila ang umaagaw ng atensyong dapat ay sa iyo na lamang.
4. The Power of the V.
Medyo di pambata ang puntong ito, pero sige: Ito'y isang kapangyarihang paulit-ulit na binabanggit sa palatuntunan ni Mo Twister sa umaga sa Magic 899. May alas ang mga babae sa mga lalaki: ang kanila mismong pagkababae. Kung ipagkait ni Boyet ang kanyang pagkalalaki kay Girlie, ok lang kay Girlie. Pero kung si Girlie ang nagdamot, warat si Boyet. At pag pinagbigyan ni Girlie si Boyet, mapapa-oo nya si Boyet sa kahit na anong gusto nya. Ito'y isang kapangyarihang magagamit lamang sa advanced stages ng relasyon, at kapag naintindihan ni Girlie ang kapangyarihang kanyang taglay, maiintindihan nating lahat kung bakit napakaraming mamahaling sapatos ni Imelda Marcos.
5. Wag kang choosy kung di ka naman yummy.
Ito marahil ang prinsipyong humuhubog ng husto sa prinsipyong JDB. Kadalasan, mapili si Girlie sa kanyang makaka-relasyong lalaki. Kailangan kasi, perpekto ang lalaking pagbibigyan nya ng kanyang lahat. Ngunit sa praktikal na mundo, ang mga matitinong (tunay na) lalaki na wala pang ka-relasyon ay kasing onti na lamang ng Philippine Eagle. Ang resulta nito, ay mga kababaihang tumatandang dalaga kakaantay kay Mr. Right na hindi naman dumating, samantalang sila Mr. Left, Mr. Wrong, Mr. Pwede, at kung sino sino pa ay nakahanap na ng ibang Girlie dahil napagod nang kakaantay sa mapiling Girlie. At huwag mong isiping yummy ka na malas lang talaga sa pag-ibig, dahil kung talagang yummy ka, hindi ka single.
===================================================================
Ito'y mga prinsipyong hinubog lamang ng isang walang kwentang usapan ng lokohan, at napa-laganap lamang ng malikot at pakialamerong kaisipan ng isang hamak na nilalang. Kung may nakaligtaan man ako ay huwag mag-atubiling dagdagan ang mga nasabing prinsipyo, o di kaya'y tumaliwas sa mga kaisipang nailahad.
kinang-ina.. tawa ako ng tawa dito sa linyang ito..
ReplyDeleteOMG Voltaire this is your worst post ever, you bigot.
ReplyDeleteNagtataka ako though, bakit di Nora Aunor? In fairness she did well with her lovers - Christopher de Leon, Michael de Mesa..
"Lahat ng Pangit, Masungit" Owe, 2008
ReplyDeletesa BNO ko narinig ito. pero kung kailangan iquote, kay Anon na lang. hahaha
ReplyDeleteso you don't like it? natawa kaya ako ng onti nun binasa ko ulit.:P i was like, sleepy and shit when i did this.:P
ReplyDeleteMariel Rodriguez was the first candidate. I didn't like her because she is actually yummy, even though she exemplified "malandi".
Nora, for her part, has Noranians that follow her around. Lito Lapid doesn't have a following THAT strong to be called "Lapidians" or something (I still believe the people who voted him in didn't vote for Lito Lapid as an actor, but rather, the actual Leon Guererro character). Janice doesn't have that as well. So Nora > Lapid or Janice. I'm looking for the lowest of the low but not virtual unknowns.
And c'mon. Would you pick Christopher de Leon or Micheal de Mesa over Aga Mulach, Albert Martinez, John Estrada or Gabby Concepcion?=P
and in my defense, as mentioned, this is a reply to a post a couple of years back.=P and it's for the sake of equality.:))
ReplyDeleteaanhin pa si Maria Clara kung uso na si Maria Ozawa. :))
ReplyDeletematindi pala talaga si Mariel.. Yummy na Malandi pa. :))
ReplyDeleteOo, agree. Daig ng malandi ang maganda. Lalo na kung yung malandi e wala naman ng mawawala pa sa kanya kase naibigay na nya sa lahat yung kung ano mang meron sya. Hahahaha.
ReplyDelete@tracy: as per che's advice, no albert martinez on the list. my bad.
ReplyDelete@maix: bakit, mei mawawala ba sa maganda?:P meron din namang Otil Dipal principle na mababasa if you follow the link sa start ng blog.:) haha
Hahaha. Tama. :))
ReplyDelete