pa: mei gagawin ka bukas?
me: wla naman po.
pa: laruin mo nga ung bingo tickets ko. sayang eh.
flashback umaga ---> mag-aaply ako trabaho sa ortigas. sabi ni ortigas balik daw ako ng 4pm. sabi ng tatay ko kunin ko daw kotse nya sa opis nya sa sta.mesa. tinanung ko muna sa nanay ko kun kelangan ko pa gawin un since 4pm kelangan nkabalik na ko ortigas (11am na nun, bukas na galle). sabi oo kunin ko daw kasi maghahatid pa ko sa tatay ko para kunin un isa pa nyang kotse sa pagawaan. so, ayun, iniisip na kelangan ko talaga pumunta, pumunta na ko. pagkasakay ng fx papunta quiapo, sabihan ako na "ano ter? kasi pde naman bukas na lang un kotse iuwi eh." so peste na. problema agad. tapos sabi ko samahan ko lang che sa xray tpos kain kami, saka na ko punta opis nya. nun dumating kami dun, wla na xa, iniwan susi sa kin. ang tagal ko daw. tapos pag-uwi ko sa bahay nalaman ko na ndi na nya tinuloy lakad nya dahil late na daw xa. indirectly telling me na "tagal mo kasi eh."
so, sino ba naman ako para tumangging laruin un bingo nya? ayun. laban. sinama tita ko at utol ko thinking sa dami ng tickets, di ko kakayanin mag-isa. 44 tickets un, 4 na tig-11 (panis. nag-math) na paper bingo card. un pala, color-coded si bingo. 11 games meron. ibig sabihin, 4 lang technically ang card na eligible ko gamitin per game. pota. sinayang ko pa oras ng 2 pang tao.
sa bingo na. nakaranas ka na ba ng bingo sa isang family day? every christmas kasi napapagtripan na namin yan sa family eh. kung anu anu lang pinamimigay. pero ndi ko alam bakit dun sa bingo na un ndi ganun kabenta mga jokes. sa bingo ka lang makakarinig ng kung anu anung joke pertaining to numbers.
"o, sa letrang O, paboritong number ni (insert name of person)... 69!"
"sa letrang N, waistline ko ngayon, 35!"
"sa letrang B, Jaworski, 7!"
"sa letrang I, sweet 16!"
"sa letrang G, kalbo, 60!"
tapos mei mga bago akong narinig na walang kakwenta kwenta:
"sa letrang N, doble kwatro, 44."
"sa letrang I, doble po ulit, doble trese, 26" (ndi tlga ko natutuwa pag math ang joke eh)
"sa letrang G, edad ko dati, 51" (ok, ok, so matanda ka na. pero kun ganun din lang sasabhin mo, eh di simulan na natin sa 'sa letrang B, edad ko dati, 1)
iba lang siguro talaga pag di mo kilala talga lahat ng taong kahalubilo mo. minsan kasi tumatawa na un iba, kami tinatanung pa namin kun bakit naging ganun un number eh. ewan. masaklap pa, nag-effort na kami, nagsayang pa kami ng oras, out of 11 games, wla pa kami napanalunan. bukod dun, mei raffle pa, na namimigay sila ng jacket, payong, at mga bag. mahigit 40 rin siguro un. wla rin kami nakuha. oo alam ko, ndi lahat ng tao sinuswerte. pero din naman ganun kadami tao dun para ndi man lang kami manalo sa raffle no... isa per family lang naman nakaregister eh. at di ako naniniwala na lampas 50 ang mga pamilyang andun. hay. sana sa bingo tumama mga nagpabitin sa kin.
pag weekends, masarap magdrive eh. ang layo ng mararating mo sa maiksing panahon dahil sobrang wlang traffic. kahapon di ko alam kun bakit lahat ng tanga eh nagkasama sama sa kalsada. sobrang traffic ng sta. lucia, wla naman sale. nanay ko dumating sa santolan lrt ng 6:15, nakauwi sa bahay almost 9 na. nagmotor isang pinsan ko para sunduin un isa ko pa pinsan dun sa lrt, pati xa natrapik. labo. di ko tuloy alam kun matutuwa ba ko na ganun lang kadali ang pagkuha ng lisensya dito sa pilipinas. pila lang ang pinaka effort mo. ang pinakamagandang pde ko na isipin dun eh, kahit na ang daming bobong driver sa pilipinas, eh sigurado akong either madiskarte o pasensyoso ang mga lisensyadong drivers. madiskarte dahil kayang ndi pumila, pasensyoso naman dahil pumila.
3am. kakatapos lang ng tongits na malupit, sinundo ako para umuwi na daw. pupunta daw ako ng tarlac. "pota." sabi ko, "problema nanaman?" "basta umuwi ka na lang." sabi ng ate ko. umuwi ako agad dahil kelangan nanaman ng guidance counsellor. basta, matapos ang sobrang habang drama na wala naman talagang solusyon, ang isang naiintindihan ko lang talaga ng lubos at tila mananatili na talaga sa isip ko, eh ayaw magpaintindi ng babae. pag nagkakaintdihan kayo, either bading ka, babae ka rin, o pinipilit mo lang paniwalain sarili mo na nagkakaintindihan kayo.
sitwasyon:
ma: gusto ko pumili na xa. ako o xa.
me: ok. kung xa piliin, ok lang ba seio?
ma: ndi. wla xang karapatan.
me: ok. eh kung ikaw piliin, maniniwala ka ba na bibitawan nya un isa?
ma: ndi nya naman gagawin un eh.
o di ba. sakit sa ulo. walang solusyon. ndi pdeng a, ndi pdeng b. c naman pala sagot, tanung pa ng tanung. ang mga nakasagot naman sa tanung na "what is the meaning of life" eh patay na eh... kasi nag-move on na sila. tapos na ang "life" nila. pde na nila madefine. ganun din naman siguro solusyon sa isang bagay na walang kasagutan eh. move on and let the past be. kun ganito lang ng ganito wala talaga katahimikan yan sa buhay.
ok, ndi ako anti-female/feminist. naiintindihan ko na mei pagkukulang din naman kaming mga lalaki, base rin sa parehong sitwasyon.
me: san ba galing un?
pa: binigay ng bataan ko.
me: bakit mo kinuha?
pa: wala lang. eh puro lalaki kami eh, kantyawan lang naman.
me: tapos ngayon pinoproblema mo kung bakit nanaman kayo nagkakasiraan ng ulo?
masculine pride. madalas nakabulag sa judgement ng isang lalaki. dahil takot makantyawan, dahil takot mei masabi tungkol sa kanya, kelangan parating ipakitang kaya nyang gawin kung anung gusto nyang gawin, without thinking of the consequences it might bring, just to satisfy the crowd at hand.. siguro dahil dun, kaya nagkakaron ng mga kabit (bata pa yan, wasari pa!), kaya nadudurog sa kalasingan (o straight mo nga yang scotch-brandy tpos i-chaser mo ng red horse!!), o di kaya'y naaaksidente sa pagmamaneho (chong, di mo na kaya magdrive).
pero, tulad nang ndi mababagong ugali ng mga babae, eh meron din namang ugaling ndi rin pdeng baguhin ng mga lalaki. oo, siguro nga bunga ng kantyaw kadalasan ang mga problemang inilahad ko, pero ndi mo naman maaalis sa lalaki ang mapa-barkada. ewan ko. pde mo naman kasi maipakita sa mahal mo kung sino ka talaga, pero sa mga tulad mo rin ikaw makakagawa ng mga bagay na ndi nyo gagawin ng mahal mo (mag-basketball ng limahan, mag-dota, o umihi sa pader). kung babae ka, nseio naman kun kaya mo pagkatiwalaan enough ang partner mo sa mga kantyaw na ganun.**
**NOTE: di ko originally naisip na ilagay to sa blog ko. pero naisip ko lang, baka magka-idea, mahadlangan pa ang mga get-together ng klase na maaari kong puntahan in the future. dumedepensa lang ako sa sarili ko.:p sa ibang lalaki, bahala kayo sa buhay nyo. hehe....