Tuesday, November 13, 2007

...bata, bata, anu gusto mo maging paglaki mo?...

parang nakakapeste na pag tinatanung ako nyan nun bata pa ko..


pero ngayong hindi ko pa rin alam kung anung trabaho na ang dapat pinapasok ko, unti unti ko nang naiisip na importante palang magkaron ng ambisyon iba sa "sana manalo ako sa lotto". Iba na yung habang nag-aaral ka eh hinahasa mo ang galing mo sa isang paksa at pagdating ng kolehiyo eh pagtibayin ito at bigyan ang sarili ng kredibilidad para pagtapak mo sa totoong mundo eh hindi ka nangangapa sa gusto mo gawin sa buhay...


ako? eto. walang trabaho pero mapili. binigyan ng malaking sweldo, inayawan kasi nakakabobo. nakakuha ng trabaho para sumulat, aayawan dahil kakain ng buhay. 60pages in 2weeks as starter, 150 minimum as regular? ayoko namang uuwi ako sa bahay eh trabaho pa rin gagawin ko... kaya nga uwian eh. buti pa pag-aaral, mei bakasyon, eh eto? tama na siguro freelance muna habang nagmumuni-muni sa mga gustong gawin sa buhay...


akalain mo un, dapat palang seryosohin un tanung na un? yun pala magbibigay ng direksyon sa bata sa buhay na tatahakin nya...


at nalaman ko un ngayong nakatawid na ko sa kalsada ng oportunidad na tinatatawag nating edukasyon. mahirap pa rin naman kun nakatawid ka na eh babalik ka pa, lalo na't hindi mo pa rin alam kung anu bang liko ang babalikan mo sa kalsadang un...

4 comments: