Friday, November 2, 2007

...the makati adventure (ang pakikipagsapalaran ng isang mangmang sa pinuntahang lugar)...

<delayed blog... di ako nakakagamit ng comp eh>


          Every time going to makati is my first time. "First time" ang parating dahilan ko kya ako late sa kahit anung appointment ko.. Di ko kasi alam ang tamang babaan o tamang sakayan. Dahil dito, nilalakad ko na lang ang Makati, iniisip na mas mararating ng paa ko ang lugar na pupuntahan ko kesa ng jeep,fx,bus,o taxi na kailangang sumunod sa traffic rules ng Makati na sila sila rin lang ang nakakaintindi..        


         Minsan, bibisitahin ko si che sa ojt nya.. Sa Rufino daw, paglampas lng ng Paseo de Roxas.. Sumakay ako ng jeep mula Edsa at paulit ulit na sinabi sa driver na sa rufino ang baba ko.. Oo naman ng oo un loko, tapos nun tila dulo na ng walang hanggan, nagtanung na ko kung san un. Saka lang sinabi sa kin ni kupal na dapat kanina pa ko bumaba. Kaya ayun. Sa mei makati med na ko pinababa.. Kun di pa trapik, di pa ko ibababa.. Nilakad ko nang nakatingala ang Ayala ave kakahanap sa nalampasang Rufino, at ayun, nakita ko din..      


           Minsan naman, pupunta ako sa Paseo de Roxas para mag-apply. Oo, alam ko na nabanggit na kanina ang nasabing street, pero eto ako'T nakalimot.. Mula glorietta, lumabas akong ayala ave at nagsimulang maglakad. Iniisip ko kasing Paseo un huling intersection sa ayala. Pagdating ko ng ayala triangle, naisip kong mag-jeep na lang dahil malayo pa ang dulo. Tingala nanaman pagkalampas ng unang intersection (Na lingid sa kaalaman ko NUNG PANAHONG YON ay Paseo na) at nang marating ang dulo at walang nakalagay na pangalan ng street ay nagpanic ako na di pahalata. Naliligaw nanaman ata ako. Para di magago sa labas, di ako nagpahalatang ligaw. Nang bumaba ang mga kasama ko sa jeep ay bumaba din ako,pero di ko alam kung anung sulok ng makati un.. Taxi ang katapat papunta Paseo. Salamat sa anghel ko na nung panahon na yon ay nasa katauhan ng isang babaeng bigla na lamang bumaba sa likod ko tungo sa building na kinaroroonan ko. Perfect timing. Salamat ulit Lord.Ü        


        minsan ulit, ok na ang araw, dahil alam ko na ang pupuntahan ko gawa ng "Prior experiences". Nasabihan ako ng tito ko na bisitahin ang pinsan ko sa makati med dahil naconfine ito. Binisita ko sya matapos ang pinuntahan kong interview. Sa pagdalaw ko, nautusan nya ko bumili ng subway sa rcbc plaza. Tatawid lang ako, at pati un ay alam ko. Un nga lang, di ata talaga pde lumampas ang isang araw nang hindi ako naliligaw. Of all places na maliligaw ako: sa loob pa mismo ng makati med. Peste kasi un 2 exit na elevator eh.. 2 tao ang sinundan ko para lang makalabas,ngunit pareho nila akong binigo..lumusot pa ko fire exit pra kunwari alam ko kun san ako papunta..    


        Hindi bago ang araw na to.. Well, siguro m bago,kasi di ako nalate sa interview ko, at dalawa ang pupuntahan ko ngayon. Para prepared,tinanung ko na sa tatay ko na dating nagtatrabaho sa makati kun san ang mga lugar na pupuntahan ko at nagresearch na din sa lumang "ins & outs" nya ng mga kalsada.. Kinabukasan maaga akong umalis,at dahil nasimtulate ko na ang trapik, naisip kong maigi na sumakay sa bus na aircon kahit trapik kesa magMRT.. Sa Buendia ako dapat bumaba.. Habang nagbabasa ng "Stainless Longganisa" ni Bob Ong,naisipan kong matulog na muna. Pamulat ng mata ang unang salitang nakita ko ay "Buendia"..inisip ko 2loy na antayin na lang tumigil ang bus sa tamang baban. But no, naisip nyang sa ayala na tumigil. Inisip ko na magjeep papunta makati ave,kaso trapik sa ayala. Plan b: bus papunta buendia, tapos lakad to makati ave. Trapik din. Nilakad ko na lang. At akalain mong anlayo pala nun. Pag nagddrive kasi ako parang anlapit lang eh.. Mei terminal sa kanto,pero pinili kong di na sumakay dahil nga feeling ko  kasi malapit lang.:p ayun, matapos ang paglalakad ng sa init ng araw habang naka-itim, malapit na ko sa unang kanto. at akalain mong ndi pa pala yun ang makati ave... isang kanto pa pala... peste... napalayo nanaman.... matapos ang interview na nagtagal ng mga 30mins lang ata, umikot na ko at nagsayang ng oras dahil 2pm pa ang susunod kong interview... ang address naman ay rufino corner salcedo... rufino alam ko dahil ang kantong un ay  ang building ng ojt nila che, samantalang sa isang dulo nun ay ang Lyceum kun saan  nabibisita si Kuya Ags pag napapadpad ako sa Makati. so naisip kong sa Ayala ave tuntunin ang daan. malaking pagkakamali pala yun... ang salcedo pala ay malapit pa sa makati med, na mga 15mins ko ata nilakad mula Ayala Ave...



          Pag nag-aaply tuloy ako ng trabaho sa Makati parang sayang parati ligo ko... kung di sa MRT o sa byahe, sa lakad....



          At least parating basa buhok ko... yakk.. haha.... at parating mei design na bilog o oval sa bandang harap ko o kaya nama'y isang malaking tila pakpak na sinasakop ang kalahati ng likod ko na darker shade lang ng kulay ng damit ko sanhi ng pawis. yakkk...

2 comments:

  1. parang nakakawala ng pagod ang blog na to.. natawa ako, sori nmn. lahat nmn dumaan sa ganyan, at least kaw naeenjoy mo un experience. hahaha! cmula na class ko next week, pwede na ulit. mon-sat except thursday asa school ako.

    memorize mo na din nmn ang daan papunta sa school ko diba. pagpasok mo sabihin mo lang pangalan ko, ippamper kna ng mga guardya kundi lagot cla...hehehe

    c u soon agen.

    gusto mo mgiwan ng damit sa skul? hehehe

    ReplyDelete
  2. pde yan ah... haha... dadala ako damit next time...:p chaka appetite cguro...:P pagpasenxahan ang tanga... at least alam ko na pasirko-sirko sa makati.... lakad nga lang... mahuhuli pa rin ako pag kotse eh.. hehe..

    ReplyDelete