Sunday, November 11, 2007

...the makati adventure part 2...

sa makati, parati ako naliligaw... walang isang punta na ndi ako naligaw... nun tinawagan ako ng writers.ph na bumalik sa kanila, naisip kong siguradong ndi na ko maliligaw, dahil alam ko na ang pupuntahan ko...


pero ndi pala kaligawan ang magiging problema ko nun araw na un, kundi chorizo.



oo chorizo... chorizong ginawang longganisa ng katulong namin... akalain mo ba namang un original Cebu chorizo na paisa-isang hinihiwa hiwa para gumawa ng sangag eh ginawang ulam at sinabay sabay lutuin ang 8 piraso? ako naman si gago, ayaw magsayang ng pagkain. inubos ko un isang buong piraso...



eto na ang adventure...



Rosario pa lang, kumikirot na yun tyan ko... naisip ko, sige, kaya yan... para yan lang eh... mula pagkabata kinakaya ko naman magpigil ng buong araw, anu ba naman ang pagkakaiba ng araw na to?

G-liner. nakatayo ako. mejo nagbabadya ang bwakanginang tyan ko... pero sige.. kayanin... malamig ang pawis ko, pero sige.. "it's just a phase..."


bumaba sa Galle, tumawid at nag-antay ng bus na papuntang Ayala para kun makatulog man ay di ganun kalayo ang babalikan....


10mins.. la pa rin... peste...


susunod na bus, kahit ano pa, sasakay na ko... nahihirapan na kong palakad lakad para mabaling ang atensyon ng katawan ko sa nagbabadyang jebs..



ayun. sakto. Ayala. sakay na ko, umupo sa isang sulok na pinagsisihan ko din. ang natatanging bintanang maliit na katabi ko eh sakto ang mukha ni sam milby. nahaharang ang view ko sa lugar na kinaroroonan ko... pero lakas loob pa rin akong natulong dahil baka mei sumilip na...


buendia station. tsambang narating ko at nagising ako... nahihirapan na talaga ko... una na dibdib ko sa paglakad... di ko pa alam sasakyan ko... nagtanung pa ko... ang 2 jeep na naabutan kong walang laman eh kala mo nilanggam lang sa biglaang dami ng taong sumunod sa pagtawid ko... ako pa naubusan ng pwesto.


hindi ko na kaya. sa shell na ko makikipagsapalaran... bibili ako ng tissue. oo, kadiri. tissue lang kaibigan ko... ayaw ko man, kadiri man, pero putangina, buti na un kesa binti ko maramdaman ang maduming tsokolate (yak.. daming pde description eh...)...


ang shell pala ay mei promo ulit na nagbebenta sila ng die cast models ng ferrari... akalain mo ba namang un mama sa harapan ko eh sobrang tagal pang pumili...gusto ko itapon un isandaan ko at sumigaw ng "keep the change!!" para lang makatakbo na ko pero tyinaga ko... matapos bilhin ang kaibigang tissue, antagal nanaman ng inantay ko para sa CR na wala namang sumasagot sa kin.. paglabas ko at sinilip ang CR ng mga babae ay parang mei "hallelujah" sa background ng isip ko dahil nakabukas ng cubicle at walang tao... pero inisip ko na lang na baka mei emergency na kelangan magCR na babae at ndi makapasok...


pinigil ko na lang ulit... pero sa jeep, ayun, bawat tigil nararamdaman ko ang pagkatok sa tyan ko... kaya pagdating sa kanto, pinili ko na lang sa petron maglabas ng sama ng loob kesa sa opisina na nasa kabilang street lamang...





peste... allergic na ata ako talaga sa makati.... aberya talaga parati...




3 comments: