Sunday, January 6, 2008

...ayaw ni Tring ng birds...

1/6/07 Surprise birthday party for Mommy Puch of the First Family... Ilang buwan na rin nagpplano ng family dinner, di naman matuloy tuloy... pero dahil birthday ng ina, nagkaron ng pagkakataon... supposed to be ang plan is "doughnut and coffee" party na magaganap sana ng 5pm... kaso kinailangang magstall ng ama dahil mei nasa bahay pa... si nico 3pm pa lang eh nasa Glorietta na... ako 5pm dumating sa mismong place... at nsabi sa kin na ndi ako pde makita dahil masisira ang surprise... demmit... nywei, salamat sa timezone, nagkaron ako ng pampalipas oras... isang oras naman ang tinagal ng 100pesos sa The Fast and the Furious na ndi ko alam panu magsave.. sayang tuloy kotse ko...

ayan na, around 6pm nagkita kita kami (sayang lang at wla si Ate Patring)... umupo sa paligid habang pinapanood ang magsyotang nagdadate sa pamamagitan ng Ad Hoc ng Tekken 5 sa PSP... sabi ko kei nico dpat bilhan nya na ng PSP gerpren nya... investment un... instead na gumastos ka ng at least 500 pesos everytime lumalabas kayo, pag bumili ka ng PSP eh pdeng upo na lang kayo sa quadri ng magkatabi o magkatalikod, tapos laro kayo Tekken... hehe...

sinurprays pa rin naman namin si Ate Puch, buti na lang malabo ang mata nya at ndi nya kami nakitang papunta sa likod nya... since dinner time na, ndi na kami matuloy sa doughnut at coffee party... dinner na lang... sa Friday's kami kumain kung san namin nakilala si Jupert or Jupi... isa xang waiter na bading ata na merong belt bag na gustong gusto ni Ate Len... sabi namin double celebration, birthday ni Ate Puch at Tringgay... nanonood ka ba ng flintstones? kung oo, chances are, nakita mo na ang grinder nilang baboy na nakapwesto sa ilalim ng sink... parang ganun ang trabaho ko tuwing kumakain sa kahit saan (except pag kasama ko mga kaklase ko... mga baboy din un eh..hehe...), kaya kahit parang naghehello na un jebs ko, ayaw kong ndi ubusin ang pagkain.. pero natira ako ng mais at pasta (2 strand at 2 pirasong manok) para di naman isipin na patay gutom ako... nakita rin namin sa Friday's si John Estrada at ang syota nyang Miss ng something sa isang pageant... kinantahan din kami ng TGIF waiters ng kantang ndi mo maaalala kahit tono... basta mei palakpak sila... meron ice cream na mei kanila at sa paligid ng plate ay mei "Happy birthday" na nakasulat at ang panulat nila ay Caramel... Birthday ni "Pooch" at "Kring"... di na kami nagreklamo... baka ulitin un kanta eh...


tapos lakad ulit... walang kamatayang pichur at pichur... mei shop, Philosophy. damit ang benta nila.. sabi ko anlabo ng mei ari nun... ang hirap hirap maghanap ng libro ng philo tapos gagawa xa ng shop na Philosophy ang pangalan tapos di man lang xa magbenta ng libro. naisip ko tuloy ang mei ari nun mei matinding galit sa mga estudyante ng Philo (malamang taga-UP) tapos naisip nyang gumawa ng shop na "Philosophy" para pasukin ng mga philo at bumili sila ng damit, para umangkop sa nais na porma ng mei ari. pero mehn, ang mahal. pambakla pa. o bi.

matapos pakinabangan ni Ate Len ang GC's nya sa Fully Booked, lakad ulit kami patungong Cupcakes. doon natikman namin ang asukal and sugar icing cupcake na sobrang tamis(ate puch), ang oreo cupcake(nico), ang blueberry peanut butter cupcake(me), ang strawberry and pistacio cupcake(tring), ang chocolate and icing cupcake(kuya ags), at ang banana and sumthing cupcake(ate len)... dito rin sa lugar na ito nakita namin si Beth Tamayo, na kumain din sa lugar na yon, si Ali Peek, na anlaking tao, at si Chris Tiu, na muntik nang tilian ni Tring (nanigas na xa at kinapitan kami ni nico, at mejo patili na... malakas ata ang pagkakasabi nya ng "SI CHRIS TIU!!" kaya napatingin ng ilang beses un tao)... Best friend namin noon ang tubig...


matindihang pichuran ulit habang naglalakad kami bago umuwi... pichur sa mga bells, pichur sa parang monkey bars, pichur sa parang diving board, at pichur sa kun saan saan... pichurs na ndi nakuha ng camera ko dahil namatay na ang phone ko. leche. at mga pichur na habambuhay muna bago lumabas dahil ang mei mga hawak ng pichur ay si Lentot at si Tring na forever and a day bago magpost ng pichurs... nawa'y mabago ang trend...


ayun, tulog na lang inabot ko dito sa bahay, tpos na ang mga happenings at antok na ko dahil ndi ako maxadong nakatulog nun nakaraang gabi... masaya, kasi almost complete kaming family, at kagabi lang kami nagkasama samang muli...


o nga pla, kaya ganun title ko.. naipangako ko lang na magbblog ako na ang title eh ayaw ni tring ng birds... sabi nya kasi ayaw nya eh... di kami naniniwala...

2 comments:

  1. ahahaahahah..adik! happiness talaga kagabi.. =D

    ReplyDelete
  2. ansaya nga kagabi...hahaha!

    nkalimutan mo ata banggitin na nkita mo in person c kokey!


    hahaha!


    next time ulit!


    (ilang beses nku ng-online, wala pa din ung peechures smeechures...)


    cguro nanghuhuli pa ng bird c tring... ayaw nya ng bird! ayaw! ayaw!

    ReplyDelete