Di ko naisip na madadagdagan ko yung blog ko nung una ukol sa grammar. Pero tila mei sumayad nanaman sa isip ko na marahil pwede ko nang ilatha dito.
Madaldal ako. Bago o lumang kaibigan o kahit kakilala lang, kakausapin ko. Makwento ako. At kung nagkatugma ang interes natin, antagal nating mag-uusap kahit bago lang tayo magkakilala. Marunong din naman akong makinig. At nakikinig ako talaga sa mga bagay na interesado ako, at medyo umiiwas na sa mga bagay na ndi ko naman nais pakinggan. Kaya ko makipagplastikan, pero ndi ako makakatagal.Honest eh.
Dahil sa pagiging madaldal ko, nakahanap nanaman ako ng bagay na pwedeng pakialaman.
Kamustahan
Meron kasabihan, "first impressions last." Oo, nakilala ko ang kasabihang yan sa sikat na commercial ng Axe noong 90's. Kaya feeling ko cool ang Axe. Kaya gumamit ako. Para feeling cool din ako. Pero wala na sa usapan yan.
Importante ang unang pagkakakilala seio ng tao. Tila ito na kasi ang habambuhay na pagkakakilala nya sa iyo. Lalo na kung minsan lang kayo magkita. May mga halimbawa ako ng mga nagaganap sa akin, pero maihahalintulad din naman ito sa iyong personal na karanasan.
===================================================================
1. Kamusta na si Tito mo?
Sisimulan ko sa pinakasikat. Dahil naging parte ng balita at mga pahayagan si Uncle Jun, eto ang pinaka-madalas na itanong sa kin. Mei mga taong ang pagkakakilala lang sa kin ay "pamangkin ni Jun Lozada". Kung di man, yung mga taong minsan ko lang makausap at alam na tito ko si Jun Lozada eh dito na lang parati sinisimulan ang usapan.
Eksena:
<enter Voltaire>
Person: Ui, kamusta, san ka galing?
Me: Opis.
Person: Ah. Kamusta na pala tito mo?
Me: Ah, ayun, nasa La Salle pa rin..
Person: Ang tagal na pala nun no?
Me: Oo nga eh..
<awkward silence: tinatansya ko kung interesado ba talaga xa, samantalang xa naman ay nag-iisip ng pwede pang itanong ukol kei Uncle Jun>
Person: Ui, si ___! Hoy ____! Lika nga dito!
Ang akin lang: minsan na lang kami talaga magkita ni Uncle Jun. At di porke't lumabas xa sa balita eh un at un lang ang pag-uusapan namin. Tito ko xa bago xa naging balita. Tinatanong ko ba pinag-usapan ninyo ng tito mo?
At kung interesado ka talaga magtanong, saka ka magtanong. Di un magtatanong ka para lang may maitanong. Ilang beses na rin na nagkaroon kami ng makabuluhang diskusyon ni Uncle Jun ukol sa ilang isyu, at nang gusto ko nang magkwento, eh nangyayari ang eksenang naging halimbawa ko.
Pero, anu ba ine-expect mong sagot sa tanong mo na "kamusta na tito mo?" I mean, seriously?
===================================================================
2. Oi, tumataya ka pa? / Ano pare, inom?
Eto marahil ang pinaka-karaniwang pangingialam ng tao sa buhay mo. Nakilala mo siya dahil sa isang pangyayari, sa pagkakataong nabanggit ko, sa pag-inom at sa pag-taya sa odds. Ang nakakaburat lang sa mga taong ganito eh parang wala ka nang ibang inatupag sa buhay mo kundi eto.
Eksena1:
<magkakasalubong sa hall>
Person: Oi Volt!
Me: O, musta?
Person: <insert verb here. suggestions are: inom, DoTA, counter, etc> na?
Me: Aga pa.
Person: haha
<exit>
Eksena2:
<magkakasalubong sa hall>
Person: Oi Volt!
Me: O, musta?
Person: <insert verb here. suggestions are: inom, DoTA, counter, etc> na?
Me: Tara!!!
Person: haha
<exit>
Nagkasalubong kayo, alam naman nyang ndi siya pwede sa aya nya, pero aayain ka pa rin. May buhay din ako. Ok lang un "musta?-ok lang." na batian. Kung mag-aaya ka, ituloy mo. At huwag kang ta-timing na ndi pwede ang isa sa tin.
===================================================================
3. Prof pa ba si sa AB si Doctor Co?
Sa office, ako na pinakabata sa eded na 23 anyos. Ang susunod sa kin marahil nasa malapit na sa 40. Mahirap makahanap ng pwedeng makausap. Seryoso.
Minsan, si Sir Gilbert, na taga-UST pala, eh kinausap ako.
Eksena:
Sir Gilbert: San ka gumraduate?
Me: UST po.
Sir Gilbert: Ah. Anung course mo na nga?
Me: Philosophy po.
Sir Gilbert: Ah talaga? Nag-AB din ako dati eh, Behevioral Science. Tapos pagkakuha ng AB General, lumipat na ko sa Science.
Me: Ah talaga po?
Sir Gilbert: Anjan pa ba si Dr. Co?
Me: Opo, nagtuturo pa po.
Sir Gilbert: Ah talaga? Ang tagal na nya dun ah! Eh si <insert name of AB Prof during the early 90's>?
Me: <insert truthful answer about what you know about professor>
<repeat process hanggang matapos yung pinapagawa nya>
Nangyari ang eksenang yan mga Feb 2008. At mula noon, sa tuwing nagkakausap kami, nagsisimula ang usapan sa "Anjan pa ba si Dr. Co?"..
Minsan, ok lang naman na nakakita ka ng isang bagay kun saan makakarelate kayo pareho eh. Pero ndi naman na kasi magbabago mga sagot ko eh, bakit kelangan pa ulitin ang mga bwakananginang tanong? Naitanong mo na dati, nasagot ka na dati. Iba naman. Be creative naman sa usapan mehn.
=================================================================
Yun lang. Gusto ko lang mang-bangas ng mga taong ndi marunong makipag-usap. Ang usapan ay parating mei interes. Kun ndi ka interesado kausapin yung tao, wag mo pilitin sarili mo.
haha adik.
ReplyDeletehuy kasali ba ako sa unang point?
hehhe. basta alam ko hindi.
nakilala kitang pamangkin nga ni j.lo
pero di natapos dun ang pagkakakilala :)
oi lalabas ka ba sa sona,
tara tara :)
(pero di magbabagong laging tungkol sa ganito ang aya ko haha)
haha.. ndi ikaw un pia.=P sadyang mei mga tao lang na ganun, pramis.=P
ReplyDeletesona? tingnan ko.. inaaraw-araw ako ng trabaho eh...=P
swak ung #1.. dito din sa ken.. same question.. same answer.. hehe.. un na..
ReplyDeletesame question, same answer, no follow up.=P wahahahaha
ReplyDeleteang haba. di ko binasa.
ReplyDelete