<8:30AM or so>
Volt: Imon, yung Dissidia, kunin mo na.
Imon: O nga pala no. Pakilipat na lang.
Xtian: Ay, rambutan pa pala, baka makalimutan.
Rey: Taire, peram susi, patong kami para mamitas.
Kali: Isa-isa nang maligo para alis na.. Una ka na, Kai.
Volt: Ui, merong Burger Shop sa comp ni Imon! <plays>
<Kali goes next after Arianne goes out.>
<Imon goes next>
Xtian: Maliligo pa ba kayo?
Volt: Oo naman.
Rey: Ako na ah.
<Xtian goes after Rey>
<9:50>
*Silence while everyone's lying on the bed*
Xtian: uhm.. Voltz, kain na tayo?
Volt: Ge, teka lang.
<10:00>
*Random stories, then silence*
Kali: San tayo?
Volt: Bulalo!!
Kali: Lomi na lang.
Volt: Tapos na kami mag-lomi eh.. Bulalo na!
Kali: Eh di maligo ka na. Alas-diyes na kaya.
<10:20>
Volt: <finishes level> Tama na nga to.
Everyone: yes! / hay salamat / whoo! / yown!!
Food Trip Brunch
11 rice
2 bulalo
2 pork bbq
2 liempo
1 kare-kare (na napalitan pa nang madapuan ng langaw)
1 inihaw na tilapia
1 kinilaw na isda
1 bopis
1 laing
4 softdrinks
All for the affordable price of 984PhP
Not in Picture:
Amoy ng bulalo.
Lasa ng pagkain.
Pakiramdam ng pagkabusog
Pseudo-Visita Iglesia
Xtian: Punta tayong simbahan!
Imon: Saang simbahan mo gusto?
Xtian: Basta sa maganda.
Imon: Ilan bang simbahan gusto mong puntahan?
Xtian: Ok lang kahit isa lang, baka lumampas dasal ko eh.
<Post Church byahe>
Xtian: Ayos pala magpamisa no? 50pesos lang.
Rey: Tapos bente lang nilalagay mo kanina, grabe ka.
Volt: So ano, naiisip mo na ngayon, pag pumasa ka this sem magpapa-misa ka na lang at di na magpapainom? Tipid pa no? Pde ka pa sumigaw "pasado ako! Magpapamisa ako sa tatlong simbahan!!" Big time ka nun.=)
Imon: Volt, liko ka dyan papunta dun sa isang simbahan..
Xtian: Ay shet! Sana pala ndi muna ko nagpamisa dun..
Volt: Bakit, mei quota si Lord seio?
Dessert
Masarap daw ang bibingka sa lugar na alam ng aming host. Gusto ko sana mag-uwi kaso baka ndi na kasing-sarap ng andun. At hindi ko alam kun sino kakain.=P Next time na lang.=)
Yun na ang kombinasyong malupit, bibingka at salabat.. =)
Heading Back
Bumalik muna sa bahay nila Imon, pero pumunta rin sa ginagawang bahay nila sa bundok. Doon, inalipusta ng mga bata ang isang kaing ng lanzones. Plastic lang ang katapat.=P Pagkatapos nito, nagka-hati hati na ng plastic ng rambutan at lanzones.
Garapal Moment #2
Imon: San daan nyo?
Volt: Coastal na nga lang, nakakatakot dumaan sa SLEX eh.
Rey: San nyo ko pde ibaba?
Kali: Traffic sa EDSA, tansha ko, mas maganda kung sa Commonwealth na tayo dumaan eh.
On Karma
<Driving at Star Toll>
Rey: Ay pota. Kape ni Marella!
Kali: O nga no.. Sabihin na lang natin nakalimutan..
<text message recieved>
Rey: Pare, di natin pde sabihin na nakalimutan, nagtext eh.
Volt: Dadaan naman tayo dun sa mei Mazapan di ba? Ganun na lang rin ibili natin kei Mare..
<@Mazapan Sweets>
Xtian: Ubos na daw eh, pero meron pa daw isang store dun sa taas.
<@2nd Mazapan Sweets>
Xtian: Ate meron pa po kayong tart?
Ate: Ay, wala na po eh.
Volt: Ang tindi ng dasal ni Mare. Ndi nyo kasi binilhan ng kape eh.
Xtian: Kung bilhan kaya natin xa ng kape, magbabago kapalaran natin sa tart?
Genius Moment #3
Rey: <Turns off car>
Xtian: Tanong ko muna kung meron pa.
<kwentuhan>
Xtian: Wala na daw eh.
Rey: Asan susi?
Genius Moment #4
Xtian: <driving>
Xtian: <namatayan ng makina>
Volt: Nyeta, anu ba yan...
Xtian: Susi?
Pwet Exercise Route:
From Calamba exit, exit at Sta. Rosa to Tagaytay. Head towards Cavite, then back to Manila via Coastal Road. In this trip, you're sure to have buttaches, possible emo feelings, loss of saliva due to kwento, loss of speaker batteries, a need for gas refill, and an uncontrollable urge to get down from your vehicle to shout at asshole bus drivers.
What you won't find: Comfort rooms. Ask Rey.=))
======================================================
Sa uulitin.=) Sana sumama ang mga gusto sumama para ndi nari-risk na makalimutan un mga nais ipabili kung ndi nakasama.=P