Wednesday, May 28, 2008

..tagtagtagtagtagtagtag...

para seio ej, dahil pinost mo sa message board ko na ngayon ko lang nakita, at angel velasco (baka kasi kung sinong angel pa makabasa), dahil alam ko natag mo na ko noon, at dahil sa pesteng webwasher eh ndi ko nagawa...

1st time ko to, bear with me...

nagagawa ko lang to dahil sabi ko sa office ndi ako papasok bukas (thursday) dahil aalis na ate ko... habang totoo na aalis na ang ate ko, maari naman talagang pumasok ako... kaso tinatamad ako... wla talagang ginagawa sa office lately... dapat talaga nag-iiwan ako ng trabaho sa sarili ko... tsk... anyway...:

THE RULES

1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers tagged need to write on their blog about their ten things and post the rules.
3. At the end of your blog you need to choose ten people you're going to tag and list their names.
4. Do not forget to comment on their site that they are tagged
****************************************************

1. backstreet boys, n'sync, code red, 911, joey mcintyre, ultra, hanson, moffats, east 17, westlife, boyzone, lfo, jordan knight, boysIImen, robbie williams, k'c and jojo, bryan adams, micheal learns to rock, savage garden, and many many more (i'm betting 100pesos no one knows EVERYONE na nasa list na to...) baduy songs of the 90's maybe for some, but those are the songs i grew up with, and no matter how i ridicule them, i know how to sing their songs...

2. 3rd year college lang ako nawalay sa mga action figures ko... ndi, ndi lang sila basta basta display... wrestlers ko sila... sa ring na ginawa ko rin.. at sa mga championship belts na ginupit ko sa folder at dinesynan ng lapis... mei mga mas nangailangang "bata"..

3. sumali ako sa singing contest nun grade 5 ako, kinanta ko paint my love ng micheal learns to rock... 4th "daw" ako... mula kinder taga dun na ko sa school na un, at maliit lang na school un, so marami na kong naging kaibigan dun, mula estudyante, teacher, hanggang janitor... teachers un judge... o nga pala, 6 kaming sumali sa "prestegious event"...

4. kinanta ko ang "truly madly deeply" on stage nung grade 6 ako habang tumatakbong treasurer ng partido namin... pero hindi ako frustrated singer... at lalong ndi ako frustrated politician... "napilit" lang ako...

5. sumayaw ako kasama ang "backstreet" friends ko noong grade 5 ako sa classroom presentation... una at huling pangyayari un dahil ndi ako marunong sumayaw, at pinaghiwahiwalay kami... mei bansag pa sa min nun eh, si mark, toyo (dahil maitim), si sergei gatas (dahil maputi), si vincent, suka (dahil singkit), at ako, patis (di ko rin alam.siguro para uniform. mas malabo kun ketchup.)..
speaking of ketchup, somewhat of a dessert ko rin to pag kumakain ako sa mcdo o sa kahit saan... peyborit ko heinz, na wala na ang yellow cab ngayon (pero ok naman del monte kahit pano)...

6. noong 4th year high school, binasa ko ang iliad in it's prose form... masakit sa ilong. andaming nasayang na tissue at cotton buds (para sa dugo at lumuluwang utak)... pero na-enjoy ko at iyon ang isa sa iilang pagkakataong dinamdam ko ang lit... pero dahil sa haba, naiiwan ako sa klase... ang pinaproject sa amin ng teacher namin eh palitan ang isa sa mga chapters ng iliad para mabago ang ending... meron akong 3 chapter na biglang naisip... madami naman ang walang maisip... nagbenta ako ng idea ko sa isang willing magbayad... un isa naman, nagmakaawa... so ginawa ko pareho... masaya un nagbayad sa kin dahil 92/95 ang nakuha nya... pero eto kasi intro nun binigay sa min un grades eh: "i don't usually give perfect scores. much less to people i whom i know how they write. i'm thinking there may be a ghost writer for this boy, but given the benefit of the doubt, that he might really have improved, i gave him a 95." (i was thinking, 'here it comes, ako kaya un? di kaya nya inexpect na kaya ko sumulat ng ganun?') "...raymond menguita". boom. xa un ndi nagbayad sa kin. ouch talaga. 94 pala ako. xa lang naka95 sa class namin... nyeta... pero inamin ko sa teacher ko sa isa sa mga english journal ko near the end of the year... wla namang punishments na nangyari, sinabi lang nya sa kin na sana natuto na daw ako...

7. noong 6 years old ako, nagswimming lessons kami sa clubhouse namin... "kami" dahil kasama ko mga pinsan ko at ate ko... dahil 7 years old ang "intermediate", sa "babies" ako nabilang... mejo insulto na un, pero dahil sa isang insidente, di na ko muli pang bumalik dun... matapos suotan ng lifevest, tinapon kami ng coach namin sa gitna ng swimming pool... at nagppaddle kami... sobrang pagod na ko nang nakarating ako sa gilid... akalain mo ba namang dinampot ako't bigla nanamang tinapon ulit sa gitna... umiyak ako.. tapos umayaw... pakialam ko sa mga tumawang "babies" nun... basta ako ayoko na... pero siguro ilang taon ko ding dinala un "babies" tag na un sa mga alaskador kong pamilya...

8. talentado ako noon, mapa-speech contest o balagtasan, present ako. 3rd ang best finish ko. tapos parating 4th (oi, ang contestants, mind you, ay either 8 o 10). nyeta, parating short sa podium finish... akalain mong minsan eh nasali pa ko sa team ng classroom na sumali sa "math contest"... math men.. bobo ko dun.. gone are the days na talaga... pero marunong ako mag-physics at geometry... ewan ko kung bakit...

9. artista ata ako noon... isa ako sa mahuhusay na artista sa classroom mula noong grade 4 ata, at ang peak ng career ko nun grade school ay ang pag-arte sa entablado bilang datu (oi, main character ako nun... partner ko un crush ko.. haha)... sumikat ako noon dahil sa "lolo" voice ko na natutunan kong i-cultivate dahil sa kakalaro sa mga anak ni uncle jun... nun 1st year high school naman, gumanap akong emilio aguinaldo sa play sa don bosco... naburat lang ako kasi pre-recorded un voice, at ndi ako ang pinagsalita... at ndi kami magkasama nun taong un(montesines surname nun) nun nirecord nya un dahil parati xang late... pano ko ngayon i-aarte eh ndi ko pa naririnig?! on the spot un, para akong umaarte sa comedy. nun college, binigay ko ang lahat sa pag-arte nun 2nd year dahil alam kong yon lang pagkakataon kong umarte sa college life ko... at akalain mo un, sa classroom lang kami nagperform... kami kami gumawa, kami kami nakapanood... ang saya saya!! buti na lang na-fulfill ako!!

10. sa buhay ng tao, maraming nakikilala, maraming nakakaimpluwensya, at maraming pagkakataon ang humuhubog sa tao para maging sino man siya... sa dami nito, minsan nakakalimutan na natin kung sino, saan, paano, o kelan nangyaring ikaw ay nahubog talaga... pero ako, di ko malilimutan, 2nd year college, english class, kei ma'm rivero, o popeye, sa bansag ng mga estudyante... nasa papua new guinea na ata xa ngayon... mahiyain ako, ndi masalita, torpe din noong bata pa ko... sa isang "class evaluation" siningle out nya ko, sinabing "...like lozada here, he's really good in written tests, but i can't give him grades for recitation because he doesn't speak up. who is lozada?" <tumayo ako, nahihiya> "good written exam grades won't cut it. kahit ma-perfect mo yan, you won't get a high mark because you don't speak"... and hence, i learned to speak. i learned to build my confidence. nalaman kong marunong pala ko magsulat. natuto akong mag-express ng sarili ko lalo, di lang sa sulat, kundi pati na rin sa pagsasalita.

===============================================================

whoa.... ang haba ata ng ilang item... parang blog na tuloy... pero malamang binasa mo to dahil wala ka magawa eh... so sana nag-enjoy ka... ndi, ndi na kita itatag... feeling ko ako na huling gumawa ng tag na to sa lahat ng kaibigan ko sa multiply eh... parang gusto ko pa dagdagan pero wla na ko maisip eh.. nag synthesize na nga ko sa ibang numbers eh.. hehe...

***********************************************************************************************************

No comments:

Post a Comment