Tuesday, September 16, 2008

...names, names, names....

PM PM pa... eto na...=P

Rule: List all the names you were called by and the people who call you that. Tag at least 10 members of your contacts and give a comment on their site for them to know they've been tagged
.


Rudolf... first name pag binasa ang pangalan... nun kinder binasa ng teacher ko pangalan ko, so nagstick na sakin dahil di naman ako lumipat ng school until grade 6... kaya elemetary friends ko "Rudolf" ang tawag sa kin...


Rudy...  nun nauso ang mga nickname noon, sinubukan ni Jed Manansala na tawagin ako nito... di bumenta. so pati xa tinigilan kalokohan nya.


Ter... short for "bolter", phonic spelling ng pangalan ko. kapamilya ko lang tumatawag sa kin nito.


Taire... mas maarteng pagkakasabi sa pangalan ko. unang tumawag sa kin nito un ex ko, then nag-carry over sa ilang classmates ko nun college...


Lozada... namestrip sa Don Bosco, ang visible lang un surname mo, tpos first letters ng name mo.. so ako si LOZADA, R. V. C. na maaaring tawagin ng lahat na "Lozada"...


Bossing... dahil mahaba mukha ko at payatot ako nun high school, tinatawag ako nung mga classmate ko na "bossing" in reference to Vic Sotto... nun una naaalibadbaran ako... pero habang tumatagal, parang ok din... di naman masama ichura ni vic (nakadagit pa nga pia eh), tapos "bossing" ang tawag sa kin kahit nun mga siga sa classroom... kun ndi mo ma-gets agad na pinagttripan lang nila ko, iisipin mo para akong "gang leader" dahil lahat sila "bossing" tawag sa kin...



Voltz...
pag di close, surname. pag mejo close na, first name basis na... dun nagsimula ang "voltz", na nag-carry over na till college...


Kuya... tawag sa kin ng mga nakababata sa kin (duh)..  eto rin ang tawag sa kin ni che bago maging kami and about a year and a half into the relationship....


Tulugista... 
walang pinipiling hindi tutulugan... high school, 2nd row, gitna, tulog. ilipat sa ibang upuan, tulog. college, mapa harap, mapa likod, tulog. pero marunong sumagot pag tinanong...=P


Potchi boy... 
muntik ko na makalimutan.. grade 3, class Dao, wala akong baon pera... mei 20pesos lang ako... 20pesos na gagastusin ko lahat sa potchi... supplier ako nun eh... nag-evolve nun tumanda ako, lalo nun high school.. pero di na potchi boy tawag sa kin nun..


Perfect...
ganito eksena nyan eh:

Me: pota ampangit nun mukha. ang baho pa.
person: perfect ka kasi eh... gwapo, mabango, ano pa ba?

normally, tiklop na un iba pag nasabihan nyan, mahihiya sila at nagcomment pa sila.. pero ndi ako... ang sagot ko talaga:

me: o nga. perfect ako.

para lang mei dahilan pa  rin mang-asar... hehe.... yan tuloy tawag sa kin ng ilang college friends...


Mr. President... 
never was. pero sa puso ni manong agnes, ako un. at sa ilang taong mangmang sa mundo ng pulitka sa ab pero kaibigan ko...


Destroyer... 
tanggalin ko na un "the" kasi ang "The Destroyer" si rudy distrito pa rin... ayoko ma-copywright... tawag sa kin ng classmates ko in reference to my basketball "defense"... kung sa red bull, "ang bumangga, giba" sa kin naman "pag bumwelo, patay."


Volter/Golder...  as it is spelled. para lang kei peter. nagrereklamo eh. the latter is for people sa starbucks, david's or kahit sang nagtatanong ng pangalan mo... 


Bebeh/Beh... 
ndi. anlaki laki ko na. "chubby" pa nga daw eh... but this name has grown so much in me that i don't even care if it sounds too mushy for some... it's the sweetest name that i'd be called... and only one person calls me this, my own "beh", che...=)


now it's your turn!!!

Che
Imon
Tracy
Kali
Ate Fleur
Rey
Issa
Esme
Robert
Lis
Ate
Gersh
Pamers
Kuya Ags
Dipa
Job
Ainj
Pao Agulto
Josef
EJ

(xempre tiningnan ko un mga tumitingin ng blog ko kaya anjan pangalan mo.. hehe..)

gusto ko mei pm ng link para makita ko... matagal nanaman ako di makakamultiply neto eh... hehe....

23 comments:

  1. YOWN! NAPATIKLOP AKO DUN AH!! PUTA! MUSHYY!!

    ReplyDelete
  2. ayos pang relieve ng work stress hehe

    ReplyDelete
  3. i always call you VOLTER, ksama ko si mario sa pagtawag nun..

    ReplyDelete
  4. eh bakit nagpapapansin ka? dahil ba di kita nasama sa list? sige na nga, sali ka na, gawa ka na din... wahahhaa

    ReplyDelete
  5. nyahahaha nakalimutan si peter! nagtampo un look alike mo! hahaha

    ReplyDelete
  6. uhmmm di ka perfect!! kamukha mo si peter at eggie eh! hahaha

    ReplyDelete
  7. ayus. palibhasa one of a kind ka eh. wala kang kamukha. wala kang kasing tungkod... ay, tangkad pala...

    ReplyDelete
  8. eto un foul o. pota. ampangit pangit ni eggie. mukha kaya tatay un. magkasing kulay kami, fine. pero kamukha? tss.... oi sumali ka nga sa conference namin

    ReplyDelete
  9. yun oh! hahaha mushy ampf! wahahahaha

    kala ko ba "friend" ka sabi ni che?! wahahahaha

    ReplyDelete
  10. ayun pa pala... mga ndi ko nabanggit

    "Friend/Gurl" - pag nadadala si che habang kasama ang tropa nya..

    ReplyDelete
  11. ayun pa pala... mga ndi ko nabanggit

    "Friend/Gurl" - pag nadadala si che habang kasama ang tropa nya..

    ReplyDelete
  12. ayun pa pala... mga ndi ko nabanggit

    "Friend/Gurl" - pag nadadala si che habang kasama ang tropa nya..

    ReplyDelete
  13. haha! thanks pm para personal hehehe!!

    ReplyDelete