Wednesday, August 11, 2010

...Pangingialam ng Pakialamero: Mga Panlinlang...

"Walang basagan ng trip..." - Anonymous

Mahilig akong magsulat ukol sa kung ano anong bagay lang. Madalas, ito'y mga bagay na naglalaro laman sa isip ko. Pero may mga panahon na nakakasagasa ako ng ibang tao, kung kaya't naisipan kong tanggapin na lang na masama talaga akong tao, at nambabasag ng trip ng mga tao na hindi naman tama, ayon kay Anonymous. 

Ang minsang isang beses ko lang talaga sinulat, ay nadagdagan ko pa ng dalawang blog na nangingialam din sa trip ng ibang tao. Ngayon, eto nanaman.

Pasensya, pakialamero lang talaga.

================================================================

Mahilig akong pumuna ng mga tao. Naglalakad man o nagddrive, kumakain man o nakatanga, nakaugalian ko nang tumingin sa mga tao sa paligid ko. Minsan dahil baka kakilala ko, minsan naman para lang tumingin kung maganda. Para maging patas, sumisimple din naman ako ng tingin kung sa simulang tingin eh gwapo yung dumaan. O sadyang bading lang siya. 

May mga swak, may mga olats. Dahil mas maraming pagkakataon ang olats (kung ayaw mong makakita ng pangit, wag mo nang tingnan ulit. Tama nang nakita mo nung unang beses. Kung sa una akala mo maganda/gwapo, paniwalain mo na lang sarili mo na totoo yun, dahil 80% ng pagkakataon, hindi totoo yun pag nakita mo sa pangalawang tingin.), naisipan ko nanamang pakialaman ang mga nakalilinlang na katangian ng mga taong makasasalimuha natin. 

Maaari itong magsilbing gabay para sa mga mahilig rin tumingin sa tao, o di kaya'y sa mga taong nais itago ang kanilang kartada para kahit na 6 lang talaga eh maging 8 sa tingin ng iba.

=================================================================

Height/Complexion

Marahil wala na tayong magagawa kung maliit lang talaga tayo o di kaya'y maitim. Ito ay isang katangian na siguradong mapapatingin ulit ang tao sa inyo. Kahapon lang, habang nakaupo kami sa Starbucks, may isang lalaking napakatangkad na pumasok sa banko sa tabi namin. Kami ng 2 kausap ko, at ang 4 na guwardiya at 2 janitor sa labas ay napatingin sa kanya. Ang iba iniisip kung basketball player ba siya, ang ilan marahil namamangha lang sa tangkad nya. Dahil egoy siya, hindi na ko umaasa na pasok siya sa depinisyon ng "gwapo" para sa kin (Chris Tiu). Pero mapa-babae man o lalaki, sigurado, mapapatingin ang tao kun matangkad ka. 

Pareho din naman sa kaputian. Madalas sa mga babae, pag nakatayo ang tambay, ay mapapatango o di kaya'y susunod ng tingin sa iyo kung maputi ka. Bilang mga Pilipino na natural ang kayumangging kulay, madalas na "maganda" ang tingin natin sa maputi.

Wag Palilinlang: Di porke't matangkad o di kaya'y maputi, ibig sabihin maganda/gwapo na. Ingat lang. Baka sabihan ka nung maputing chic na "anung tinitingin tingin mo, brod?"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Body Fit Shirts (Men)

Palibhasa uso na gym ngayon, marami nang mga lalaki ang naka-body fit na shirt. Di mo naman maipagkakaila na ang mga may lakas loob na magsuot nito eh may karapatan naman; malaking braso, malaking dibdib, pantay o di kaya'y mas lubog ang tyan sa dibdib. 

Wag Palilinlang: Madalas, ang mga pangit ay talagang nagwo-work out na lang para lumaki ang katawan, at maibaling ang atensyon ng tumitingin sa kanyang katawan at hindi sa kanyang mukha. Di ko naman nilalahat. Pero tingin ko lang, kung gwapo naman yung tao, di na nya kailangang ipagkalandakan pa yung katawan nya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Skirt/Shorts/Dress (Women, Semi-women)

The more skin exposed, the more attractive one seems. Surefire way na makakapag-merit ng second look ang shorts/dress/skirts (above the knee). Marahil dala ng testosterone, napapatingin ang mga lalaki sa mga nakasuot ng ganito. Ngunit di tulad ng body fit shirts ng mga lalaki, di lang ang may karapatan ang may lakas loob magsuot ng mga ito.

Wag Palilinlang: Kaninang umaga lang habang naglalakad ako sa El Pueblo papasok ng office ay nakakita ako ng nilalang na maputi, nakaputing dress, at nakaputing payong. Mahaba ng konti ang buhok. Unang tingin, mukhang pwede. Nang ginamit na ang aking kakayahan sa pag-obserba, napansin kong tila mataas ang hairline ng tao. Sa pangatlo, tila kuwadrado ang hubog ng mukha at pisngi. Di ko na sinubukan pang tingnan pa sa pang-apat na beses. Masyado nang malapit si kuya. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Backless

Mula sa argumento sa shorts/skirts/dress, marami ring balat ang nakikita sa isang tao pag suot ito.

Wag Palilinlang: Dalawa lang ang maaari mong maging reaksyon pag nakakita ka nito - "wow" o "yuck". Ang natural na makikitaan mo ng ganito dapat ay sa mga formal na handaan para mapa-wow ka. Kung nasa mall ka, wag ka nang umasang gaganahan ka pa kumain. 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aviator Shades

Eto classic. Usong uso ngayon ang mga aviator-type na shades. Sa isang banda, praktikal ito kasi talaga namang hindi ka masisilaw. Sa kabilang banda, tinatakpan nito ang kalahati ng mukha ng tao. Ito ang paboritong suot ng mga nais itago ang kanilang mukha. Sinisisi ko si Jessica Alfaro bilang may sala sa pagpapauso nito. 

Wag Palilinlang: Akala ko dati napakawalang kwenta ng maskara ni Robin at Green Hornet, na halos mata lang nila ang tinatakpan nila. Pero ang laking bagay pala nito. Madalas sa mga profile pic sa Facebook, akala mo napakaganda/napakagwapo nung tao na naka-shades, nakatingala dahil galing sa taas yung cameraphone nya na pinangkuha ng kanyang profile pic. Pero madalas,  ang akala mong kartada 8 dahil sa shades, eh kartada 4 lang pala sa tunay na lighting at pagtanggal ng shades.

====================================================================

May na-miss ba ko?=P 

9 comments:

  1. ay grabe, natamaan si shades/cab guy. twice naman sya naka oakley e. :p

    ReplyDelete
  2. totoo naman kayang oakley un?:)) wahahahhaa.. er.. isipin mo na lang panget. di mo rin naman makikilala, baka manghinayang ka lang.:))

    ReplyDelete
  3. Aray ba to, Voltz? Hahaha.
    Pero dahil feeling ko maganda ako, di ako affected. :p Hahaha! :p
    Nice blog. :)

    ReplyDelete
  4. i'm just sayin.:P ayoko magpost ng mga pictures. seryoso nakakatakot ung mga taong yun. baka mapanaginipan ko pa.:))

    ReplyDelete
  5. I know. :) Dame din ako kilalang ganyan. Bahahaha! :))

    ReplyDelete
  6. yun oh muling nabubuhay ang multiply masaya na muli magbasa:)

    ReplyDelete
  7. patay pa rin.:P 2 lang ata sa friends ko ang regular na nagsusulat eh.:))

    ReplyDelete