Monday, August 17, 2009

...Pangingialam ng Pakialamero: Shortcuts

Akalain mong naging series na to. Pasensya, napagtanto ko lang na marami palang maaaring pakialaman sa mundong ibabaw, mga bagay na marahil nakakaburat pero di na mawawala sa sistema ng tao, kaya kailangang matutunan na lang siguro.

Isa na sa mga bagay na ito ang mga shortcuts. May mga mangmang sa mga terminolohiyang napasikat marahil ng chatrooms o ng text messaging. Isa na ko sa mga mangmang na ito.

Kaya para sa mga hindi pa "in", maglilista na ko dito ng mga terminolohiyang natutunan ko na para ndi nyo na itanong pag nagamitan kayo nito minsan.

1. LOL - Laughing Out Loud

Minsan, maaari kang mapaaway kung gamitin mo ito sa mangmang, dahil aakalain nyang minumura mo xa. Kung ikaw yung mangmang na yun, eto na ang edukasyon para sa iyo. Natutuwa lang sa iyo ang taong kausap mo, kaya "Out Loud" ang pagtawa nya. Pero marahil, ulol ka rin.

Mapapaisip ka rin kun ano ibig sabihin ng "Z" sa LOLZ. Pa-cool ba ito na "s" para ipahiwatig na maraming beses xang tumatawa "out loud"? Nais ba nyang sabihin na "ulol kayong lahat" dahil naka-plural form ang "lol"?

2. OMG - Oh My God

Nakilala marahil ng husto ito dahil sa mga sosyal na babaeng maarte. Isa sa mga pinaka-karaniwang ginagamit na shortcut ito, na minsa'y nagiging katatawanan na lang. Ito'y ginagamit upang ipahiwatig ang pagkagulat.

Mei ibang paraan na rin ito ginagamit, dinadagdagan ng "F" ng mga mahilig magmura upang maging OMFG, pag sukdulan ng pagkagulat ang naranasan ng tao.

3. BRB - Be Right Back

Madalas makita ang shortcut na ito sa mga IM, lalo na ng mga taong ndi nag-ooffline. Pag kakain, maliligo, tatae, o kung ano pa man, ito ang iniiwang status ng mga taong ito..

4. PM - Personal Message

Karugtong madalas ng BRB, ang PM ay isang paraan upang makausap mo ang taong wala pa sa kasalukuyan, o di kaya'y upang makausap mo ng pribado.

Ewan ko, mei nagtatanong pa kasi sa kin minsan kung ano yung "PM" eh. Palibhasa un tabloid lang alam na "PM".

5. BTW - By The Way

Sa text ito madalas gamitin. Kailangan ito sa pagpapalit ng topic ng usapan o di kaya'y magsabi ng isang bagay na wala naman talaga sa usapan.

6. GTG - Got To Go

Kung kailangan nang umalis ng tao, tanggapin mo nang ito lang ang sasabihin nya, at wag mo nang tanungin kun anung ibig sabihin nito.

7. ROFL - Rolling On (the) Floor Laughing

Next level ng LOL. Nakahiga ka na sa kakatawa.

8. LMAO - Laugh(ing) My Ass Out

Next level ng ROFL. Wala ka nang pwet.

9. GG - Good Game

Sa DoTA lang naman ito madalas gamitin. Pag olats na, "GG" na, para makarami, quit na lahat o tapusin na agad ang laro.

10. TTYL - Talk To You Later

Di ko alam kun mei gumagamit nito, pero kun magamitan ka man nito, at least ngayon, alam mo na.

11. WB - Welcome Back

Kung nag-MiRC ka, alam mo marahil ito. Siguro ginagamit rin to sa ibang mga conference o chatrooms, pero sa MiRC ko unang natutunan ko. Salamat kei Katre na blast from the past na ginamitan ako ng "weebee" nang ma "DC (disconnect. sobrang mangmang mo na kun ndi mo pa alam to kaya nga ndi ko na sinama sa listahan eh)" ako.

12. OTP - On The Phone

Isa pa to. Ndi ko alam kun mei gumagamit talaga, pero dahil 3 letters rin lang xa tulad ng iba, baka gamitin din ito sa iyo minsan.

13. BFN - Bye For Now

Ibang paraan upang sabihing GTG.

14. WTF - What the F*ck

Medyo nagmumura kasi kaya nandito na ito, pero isa din ito sa mga common na gamitin ng mga tao ngayon. Ginagamit ko rin minsan dahil feeling ko nakakatawa ako.

Ang nais ipahiwatig ng shortcut na ito ay pagkagulat rin, pero pagkagulat sa isang bagay na ndi maintindihan, kaya napapamura.

Meron din FTW, na sinasabi ng iba ay "For The Win". Pero minsan ndi ko maintindihan ang paggamit ng mga tao dito, kaya minsan ay nagkakaroon ako ng ideya na "F*ck The What?" ang ibig sabihin nito.

Pero sino ba naman ako para husgahan ang totoong ibig sabihin nito? Isang hamak na pakialamero lang naman.

15. IDK - I Don't Know

Isang tao pa lang naman ang gumagamit sa kin nito, ngunit inisip ko pa rin kung anong ibig sabihin nito. Ngayon, dahil nalaman ko na, ay shinishare ko sa iyo upang maging handa ka na pag nagamit seio ang shortcut na ito.

Nagpapahiwatig ang shortcut na ito ng pagka-speechless ng isang tao.

16. KMN - Kill Me Now

Ito rin, sa isang tao ko pa rin lang naman nababasa. Pero dahil meron daw KMA na "Kiss My Ass", baka matulad ka kei Tring na iniisip na "Kiss My Neck" ang ibig sabihin nito at nasampal mo ang kausap mo.

Nais lamang ipahiwatig ng shortcut na ito ang emosyong "ako na, sige na, kasalanan ko na."

17. IMO - In My Opinion

Ndi ko alam kung mei gumamit na nito sa akin, pero tulad ng argumento ko sa ibang nailagay ko dito, 3 letters lang kasi, kaya marahil darating ang panahon na mei gagamit nito sa akin.

18. CTC - Care To Chat?

Muntik ko nang makalimutan, pahabol na lang. Ito'y madalas na intro ng mga strangers sa mga taong mukhang hottie ang nickname. At ito'y susundan ng tanong na:

19. ASL - Age, Sex, Location

Minsan sinasamahan din ng "N" para parang biodata na agad ang usapan ninyo.

=================================================================

Special Mention:

AWHFY - Are We Having Fun Yet?

Sa videoke ko lang nababasa ang katagang ito. Ndi ko alam kung ano natira ng kaibigan ni Tring at nasama sa listahan ito.

Eh di sana sinama ko na yung ITALY (I Trust And Love You) at JAPAN (Just Always Pray At Night).

==================================================================

Dahil isa itong topic of national interest, dagdagan nyo na lang kun mei nakaligtaan pa ko.

 

 

8 comments:

  1. To add:

    IKR! - I know right!

    Medyo nauuso na rin ito. Assumera/assumero na kasi ang mga tao ngayon. Mas confident na sila. Hahaha!

    ReplyDelete
  2. @pia: o, ingat sa pwet mo.:))

    @maix: hehe... sabagay, mas ok na rin ganyan kesa marinig ko pa un "knerr"

    @ella: see, i'm helping the nation! one educated person at a time.:)

    ReplyDelete
  3. hindi ata nabanggit ang paborito kong GTFOH :)

    ReplyDelete
  4. ter.. pabasa mo to kei uncle jack.. dakilang chatter un.. feeling ko talo pa tayo pagdating sa ganyang shortcuts.. :D

    ReplyDelete
  5. gumagamit din kaya xa ng AWHFY?:p haha

    ReplyDelete