Wednesday, February 27, 2008

...Magkasangga Sa Katotohanan...PLS REPOST!!!!!!!!!!

Blue against Green. Archer against Eagle. Ateneo versus La Salle.

At almost every turn, people recognize that these three statements could only spell one thing: competition. Arguably the most storied rivalry in the country, a game that has "La Salle" in the same line as "Ateneo" always draws interest from people who get to know about it because they are sure to catch a highly spirited, tension-filled, and exciting game. People recognize that "Blue" is never a good combination for "Green". But in the light of the current turmoil our country faces today, when lies, excuses, and cover ups fill our television sets, radios and even newspapers, that line that separates the "Green" from the "Blue" disappears in order to be a strong force seeking one thing: TRUTH.

"Magkasangga sa Katotohanan" will feature players from the usually-rival schools teaming up with each other in a friendly game as a sign of unity for that "truth" that all of us are so desperately hoping to know. This game may be the only time one would see a player wearing a La Salle jersey passing to a player wearing an Ateneo jersey. This game seeks to show the country that even the worst of enemies can set differences aside in order to achieve a common cause for the good.

The game's opening rites will be graced by Eng. Jun Lozada.

Game will take place on March 2, 1PM at the Araneta Colliseum. Ticket prices are at PhP 350, PhP 300, PhP 120, PhP 70, PhP 25. For ticket reservations, please call Ticketnet at _____________. Proceeds of this event will benefit the Sanctuary Fund.

Blue against Green. Archer against Eagle. Ateneo versus La Salle.

================================================================
(Tagalog naman)

Asul at Berde. Archer at Eagle. Ateneo at La Salle.

Halos sa bawat sulok ng bansa, alam ng tao na ang tatlong pahayag na ito ay nagsasabi lamang ng isang bagay: kompetisyon. Ang masasabing marahil na pinakapinag-uusapang tunggalian sa bansa, ang "La Salle" na nasa parehong linya ng "Ateneo" ay nakakatawag pansin sa mga taong nakakapansin rito dahil siguradong mainit na tunggali ang aasahan nila rito. Alam kasi ng lahat  na ang "Asul" ay kailanman hindi naging mahusay na kombinasyon para sa "Berde". Pero sa kabila ng nangyayari sa ating bansa ngayon, sa panahong puro kasinungalingan, pagpapalusot, at pagtatago ang nakikita natin sa ating mga telebisyon, naririnig sa radyo, o di kaya'y nababasa sa dyaryo, ang linyang yon na naghihiwalay sa "Berde" at "Asul" ay mawawala upang magpakita ng malakas na puwersang magkasamang naghahanap ng iisang bagay: Katotohanan.

Ang "Magkasangga sa Katotohanan" ay maghahandog ng isang laro kung saan ang mga manlalaro ng madalas na magkatunggaling unibersidad ay magkakasama sa iisang kupunan upang magpakita ng tunay na pagkakaisa upang mailabas na ang "katotohanang" lahat tayo'y nais malaman. Maaaring dito lamang sa larong ito ikaw makakakita ng isang manlalaro na suot ang uniporme ng La Salle na pumapasa sa isang manlalarong naka-uniporme ng Ateneo. Itong larong ito ay nais ipakita na kahit ang pinakamainit na magkatunggali ay maaaring isantabi muna ang kompetisyon sa bawat isa para sa ikabubuti ng bansa.

Ang simula ng laro ay dadaluhan ni Eng. Jun Lozada.

Ang laro ay mangyayari sa Marso 2, 1 ng tanghali sa Araneta Colliseum. Ang mga ticket ay nagkakahalagang PhP 350, PhP 300, PhP 120, PhP 70, PhP 25. Para sa pagreserba ng ticket, maaaring tumawag sa Ticketnet sa numerong _____________. Ang larong ito ay para sa pagpapatuloy ng Sanctuary Fund.

===================================================================

Spread the word. Text me for reservations. 09228100450. Shit. Public na number ko. Ang mga di ko lang kilalang nagtetext sa kin eh nakita ang number ko sa "bus". Yuck. Wala akong ballpen. Parati akong skwater sa mga kaklase ko na nanghihiram ng ballpen araw-araw, tapos makakasulat ako sa bus? Tangna nun sinuman sumulat nun sa bus. Kung anu mang bus yun. Ticket reservations lang entertain ko. Ayoko ng textmate. Ang hirap magtext sa cellphone ko. Gusto ko sana sa PM lang shinishare ang number ko kaso walang nagPPM, ewan ko kung bakit. Linggo na ito. Huwebes na. 14000 na ticket ang kelangan ibenta. Ndi pa umaabot siguro ng 14000 ang lahat ng aktwal kong kakilala. Tulong naman.

Tickets will be on sale by tomorrow (late) afternoon at all Ticketnet outlets. PLEASE REPOST THIS MESSAGE WITHOUT THIS LAST PART!!!!!!!! Tama nang kayo lang nakakaalam ng number ko.

2 comments:

  1. voltz, san ba makakabili ng ticket for the bball game? wala akong mahanap eh Thanks

    ReplyDelete
  2. you could make reservations with me. though ticketnet i believe is selling na. tix were printed out yesterday late afternoon.

    ReplyDelete